BULAKLAK para kay MARIA


Hindi ko matandaan kung anong year nagsimula na mag-sponsor kami ng isang araw sa pag-aalay ng bulaklak kay Maria na mas alam ng marami na Flores De Mayo.

Sa lugar ng aking asawa sa San Jose Batangas, buong buwan ng Mayo (araw-araw) ay may ginagawang novena at pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.   At nito ngang nakaraang Sabado May 12, 2012 ay kami ang naatasan na mag-sponsor ng padasal.

Nagsisimula ang padasal o nobena sa pagpapaliwanag at kahalagahan ng mga gawaing ganito.   May namumuno sa pagpapaliwanag at may namumuno din sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Pagkatapos noon ay aawit ang lahat at kasabay na ang pag-aalay ng bulaklak.   Kahit maliliit na mga bata ay kasama sa pag-aalay at pagsasaboy ng bulaklak sa imahe ng Mahal na Birhen.

Kasabay ng huling bahagi ng awitin, kami naman ng aking pamilya bilang sponsor ng araw na yun ang nag-alay.   Pagkatapos din nun ay ang huling panalangin na nagtatapos sa nobena.


Pagkatapos ng pag-aalay ay nakahanda naman ang konting pagkain na pagsasaluhan ng lahat ng nakibahagi.   Bacon-Milk Spaghetti, Egg Sandwich at Ice Tea naman ang aking inihanda.   Sa tantya ko ay humigit kumulang na nasa 90 ang kumain ng gabing yun.

Nasa picture sa lahat ang mga tao na nakibahagi sa munting salo-salong iyun.

Masaya at busog ang lahat na umuwi sa kani-kanilang bahay taglay ang biyaya ng Diyos at ng Birheng Maria.

Dalangin ko na sana ay biyayaan pa ako at ang aking buong pamilya ng lakas at magandang kalusugan para maipagpatuloy namin ang gawaing ganito.

Amen

Comments

zachariketayluz said…
Ayos yan kuya dennis. God bless you! More blessings to come!
Dennis said…
Thanks again Zach....We all need that Blessings from God.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy