CHAMPORADO at TUYO


Nag-uulan na dito sa Manila.   Kahit papaano ay naibsan na ang init nitong mga nakaraang araw.   At kapag ganitong maulan, di ba masarap na almusal ang champorado at tuyo?   hehehehe.   Tama ka.... ang isa sa mga paboritong almusal o pares nating mga Pilipino.

Nitong isang araw, ni-request ng panganay kong anak na si Jake na magluto daw ako ng champorado.   Ewan ko kung bakit naman niya naisipan yun.   Mabuti na lang at mayroon pa akong malagkit na bigas, may tuyo rin at tablea na galing pa ng Batangas.   At yun nga, ito ang aming naging almusal nitong nakaraang Sabado.   Isang masarap at mainit na champorado at tuyo.   Kain po tayo....hehehe


CHAPORADO at TUYO

Mga Sangkap:
1 cup Ordinaryong Bigas
1 cup Malagkit na Bigas
4 pcs. Tablea (Purong Cacao)
1/2 kilo Brown Sugar
1 small can Evaporated Milk

Paraan ng pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang ordinaryo at malagkit na bigas.
2.   Ilagay ito sa isang kaserolang may tubig at pakuluan.
3.   Kapag kumukulo na ay saka ilagay ang chokolateng tablea.   Haluin
4.   Hayaang kumulo hanggang sa lumapot at maluto ang bigas.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.   Palaging hahaluin para hindi magtutong sa bottom ng kaserola.
5.   Timplahan ng asukal sa nais na tamis.
6.   Ilagay sa isang bowl at lagyan ng evaporated milk sa ibabaw.

Ihain na may kasamang piniritong tuyo.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy