CHEESY CHICKEN BALLS in SOTANGHON SOUP


Nasa bakasyon ang tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton sa lola nila sa San Jose, Batangas.   Every weekend dinadalaw ko sila para na din kamustahin at dalhin ang pang-gastos nila sa pagkain.

Kumpara nung mga nakaraang taon, ngayon pera na lang ang ibinibigay ko sa aking bilas na si Ate Myla para isahog na lang ang mga bata sa kanilang pagkain.   Wala kasing helper ngayon ang aking biyenan at walang magaasikaso kung sa kanya ko ihahabilin ang mga bata.

Ang naging arrangement namin ng aking bilas ay kapag ako ay nandun, ay ako ang magluluto ng pagkain ng mga bata.   At ito ngang dish natin for today ang aking niluto para sa kanila.   Dapat sana ay egg surprise ang gagawin ko sa chicken giniling na ito pero nagbago ang pasya ko ng makita ko ang mga 200 grams ng sotanghon noodles sa cabinet ng aking biyenan.   At nabuo nga ang noodle dish na ito na aming tinanghalina nitong nakaraang Linggo.

By the way, this dish can be eaten as a soup at maging main dish na din.   Try nyo din.   Masarap.


CHEESY CHICKEN BALLS

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Chicken
100 grams Sotanghon Noodles
1/2 bar Cheese cut into small cubes
1 tbsp. Achuete Seeds
1 cup Breadcrumbs
2 pcs. Knorr Chicken cubes 
1 pc. Egg
2 pcs. Large Onion chopped
1 head minced Garlic
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Canola Oil
4 pcs. fresh Eggs
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang giniling na manok, 1 pc. chopped onion, 1 egg, breadcrumbs, asin at paminta.   Haluin mabuti.  
2.   Gumawa ng bola-bola na may palamang cheese cube sa loob.   Itabi sandali.
3.   Sa isang kaserola, magpainit ng mantika at i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isnag lalagyan.
4.   Ilagay ang achuete seeds kaserolang may mantika.   Hayaan ng ilang minuto hangang sa kumatas ang kulay ng achuete.   Alisin ang mga buto ng achuete at muling ibalik ang kaserola sa kalan.
5.   Igisa ang sibuyas at saka lagyan ng tubig depende sa nais na dami ng sabaw.   Hintaying kumulo.
6.   Kapag kumukulo na, ilagay ang ginawang bola-bola at itlog.  Hayaang kumulo ng mga 10 minuto.
7.   Hanguin muna ang nilagang itlog at ilagay sa malamig na tubig.
8.   Ilagay na ang sotanghon noodles at timplahan ng asin, paminta, knorr chicken cubes at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.   Hayaan pa ng ilang minuto paa maluto ang noodles.

Ihain sa isang bowl at lagyan ng toasted garlic sa ibabaw at hiniwang nilagang itlog.

Enjoy!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
sarap esp. if maulan :)
Dennis said…
Correct ka dyan pinkcookies....ayos na ayos nga ito ngayon maulan na ang panahon....hehehehe

Thanks for the visit my friend
J said…
Pede kaya ito ng walang atsuete kuya? Di ko alam kung saan makakabili nun dito eh.
Dennis said…
Meron niyan sa mga asian store....Anato seeds ang ibang tawag dyan. Pwede din naman na wala...yun lang bland ang kulay.

Thanks J

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy