CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS



Mahilig ba kayo sa nilagang itlog?  If yes, itong dish natin for today ay para sa inyo.   Actually, isang hamak na nilagang itlog lang talaga siya na nilagyan lang ng flavor.  Ok din ito para hindi maging boring ang simpleng nilagang itlog. 

May dalawang pamamaraan ang pwedeng gawin para makuha ang marbled effect sa nilagang itlog na ito.   Pwede mo itong isama sa nilulutong adobo o kaya naman ay itong paraan na babanggitin ko dito sa post kong ito.   Sa pagluluto ng adobo, isama lang ang itlog at hayaan ng mga 5 minuto.   Alisin sa adobo at pitpitin ang balat ng itlog para mag-crack.   Ibalik lang ulit sa nilulutong adobo at hayaan pa ng ilang minuto.   Mas mainam na ilubog ito sa sabaw para mas lalong kumapit yung kulay ng toyo sa marbled effect sa itlog.  



CHINESE TEA EGGS / MARBLED EGGS

Mga Sangkap:

6 pcs. Fresh Eggs
3 tbsp. Dark Soy sauce
1 tsp. Salt
2 pcs. Tea bag
4 pcs. Star anise
1 small stick cinnamon or cassia bark
1 tsp. cracked peppercorns

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola ilaga ang itlog sa loog ng mga 8 minuto.   Dapat ay nakalubog ang itlog sa tubig.
2.   Hanguin ang itlog at palamigin sandali.   Samantala ilagay sa kaserolang pinaglagaan ng itlog ang dark soy sauce, salt, tea bags, star anise, cinnamon stick at dinurog na paminta.   Hayaang kumulo.
3.  Gamit ang likod na bahagi ng kutsara, pitpitin ang balat ng itlog hanggang sa mag-crack ng bahagya.  gawin ito sa palibit na balat ng itlog.
4.   Ibalik ang itlog sa karerolang nilagyan ng mga pinahalong mga sangkap.Hayaang kumulo ng mga 1 oras.   Lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
5.   Hayaang mababad na mabuti ang tilog sa pinaglagaan bago kainin.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Kuya pag nagluluto ako ng humba, nagiging "half moon" naman ang itlog ko kasi yung bottom part lang ang nakababad sa sabaw hehehe.

Ang ganda ng kinalabasan ng marbled eggs mo. Parang pang-display!
Dennis said…
Thanks J...Dapat nakalubog yung buong itlog sa sabaw ng humba mo otherwise ganun nga ang mangyayari. Hehehehe
lanie said…
wow ang galing mo naman, your so very creative! GALING
http://www.mabayle.com/snack-time-at-zymurgy-cafe/

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy