GINATAANG ALIMANGO at KANGKONG


Natatandaan nyo ba yung posting ko about the Amazing Show na pagkatapos naming nanood ay kumain kami sa Dampa sa may Macapagal Ave.?   Yup.   At isa sa mga nagustuhan ko sa aming pinaluto ay yung ginataang alimango na nilahukan pa ng kangkong.   Yun agad ang naisipan kong gawin sa 1 kilo ng Alimango na nabili ko nitong nakaraang araw.

Maraming bagay din akong natutunan sa dish na ito.   Una, importante syempre na sariwa o buhay ang alimango na lulutuin.   Babae o yung bakla kung tawagin ang magandang klase ng alimango.   Pangalawa, dapat maraming gata na ilalagay para mas masarap at malasa ang sauce.   Gata mula sa dalawang niyog ay tama na.   Pangatlo, mas mainam na ilutong buo ang alimango kaysa hatiin sa gitna.   Kapag kasi biniyak mo siya at saka lulutuin, nawawala ang taba sa katawan ng alimango at humahalo sa sauce.   Okay din sana kasi sumasarap pa yung sauce pero yun nga wala nang natitira sa katawan ng alimango.


GINATAANG ALIMANGO at KANGKONG

Mga Sangkap:
4 pcs. medium to large size Alimango (linising mabuti...i-brush kung kinakailangan)
1 taling Kangkong
Gata mula sa 2 niyog (kakang gata)
2 thumb size ginger sliced
5 cloves minced Garlic
3 pcs. Siling pang-sigang
1 large Onion sliced
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.  Hayaan ng ilang sandali.
2.   Ilagay ang alimango at lagyan ng 2 tasang tubig.  Timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang maluto ang alimango.
3.   Ilagay na ang kakang gata, siling pang-sigang at hayaang kumulo pa sa loob ng mga 5 minuto.
4.   Huling ilagay ang kangkong.   Takpan at hayaang maluto.
5.   Tikman ang sauce at i-adust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Nakakamiss... yan din ang madalas lutuin ng nanay ko nun...
Dennis said…
Thanks J.... e di magluto ka din dyan....hehehe...may crab naman siguro dyan ano.....hehehehe
zachariketayluz said…
Sarap naman nito nagutom tuloy ako :)
Dennis said…
Thanks Zach.....nakakagutom talaga...hehehe
Unknown said…
i so luv this recipe.. eto lutuin ko now 4 our lunch.. tnx po s recipe! :D
Dennis said…
Thanks Luisa....nagaya ko din lang ang recipe na yun nung minsang kumain kami sa dampa. Salamat uli....
Unknown said…
wat will happen if i'll just put the coconut milk with the 2 cups of water after sauteing the spices together with the crabs and just let it boil?
Dennis said…
Medyo mababawas yung pagka-creamy nung gata sa dish. But I think pwede din yung sinasabi mo.

Thanks

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy