PORK & SAUSAGE STEW in PIZZA SAUCE
Kung titingnan mo ang dish na ito sa picture, sasabihin mong para din lang itong ordinaryong pork afritada na pangkaraniwan nating nakakain sa hapag. Pero mali kayo, magugulat kayo sa lasa, linamnam at sarap ng pork dish na ito.
Ang secret sa dish na ito ay ang tamang sausage sa gagamitin. Importante na yung malasang sausage ang gamitin dito kagaya nang longanisang macau, chinese sausage or chorizo de bilbao. Yun kasi ang magpapalasa at magpapasarap sa kabuuan ng dish.
At isa pa, pizza sauce ang ginamit ko dito bukod pa sa dried oregano na aking inilagay. Masarap kainin ito with hot rice o kahit na tinapay. Ika nga, sauce pa lang ang solve na solve ka na. Try it!
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo cut into cubes
1 pouch Del Monte Pizza Sauce
3 pcs. Longanisang Macau or any strong flavored sausages sliced
2 pcs. Potato cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
2 pcs. Red Bell Pepper cut also into cubes
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
2 pcs. Ripe Tomatoes sliced
2 tbsp. Dried Oregano
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar
2 tbsp. Star Margarine, butter or olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa star margarine, butter o olive oil.
2. Ilagay na ang karne ng baboy, asin, paminta, sweet pickle relish, suka at toy. Huwag hahaluin at hayaan lamang kumulo.
3. After ng mga 5 minuto, lagyan ng mga 2 tasang tubig at hayaang kumulo hanggang sa malapit nang lumambot ang karne.
4. Kung medyo malambot na ang karne, ilagay na ang Pizza sauce, longanisang macau, patatas, carrots, red bell pepper at dried oregano. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks J :)