TUNA, BACON and MIXED VEGETABLES FRITTATA
Ang Frittata ay isang egg-based na lutuin na halos katulad ng omelette or quiche. Kahit ano ay pwedeng ilagay dito. Maihahalintulad ko din ito sa ating torta. Yun bang kahit anong tira-tira na isda, manok o baboy tapos lalagyan ng patatas at binating itlog.
Para may dating ng konti ang torta kong ito, frittata ang naisip ko na itawag dito. hehehehe. Actually, mula lang a mga tira-tira na sangkap ang mga inilagay ko dito. Also, sa halip na i-prito ko ito, ginisa ko muna ito at saka itinuloy ang luto sa turbo broiler. Yung ibang luto ng frittata sa oven ginagawa.
Isa pa, baka akala nyo ay bibingka yan ha. Hehehehe. Nilagyan ko pa kasi ng hard-boiled eggs ang ibabaw (rember yung marbled tea eggs na ginawa ko?) para mas lalong maging katakam-takam. Yun lang dapat siguro sinapinan ko ng dahon ng saging ang pan ko para hindi nanikit yung bottom ng frittata. Pero the best talaga ang sarap at lasa nito. Winner ika nga.....
Mga Sangkap:
4 pcs. Fresh Eggs beaten
100 grams Smokey Bacon
1 small can Tuna in brine (drain the water)
1 cup Mixed Vegetables (corn, carrots, green peas)
1 cup All Purpose Cream
1/2 cup grated cheese
1 pc. hard Boiled Egg
2 tbsp. Butter or Margarine
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Tomatoes sliced
1 large Onion sliced
1 tbsp. Butter or Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito ng bahagya ang bacon sa butter or canola oil.
2. Itabi ng konti ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
3. Isunod na din ang mixed vegetables, canned tuna at timplahan ng asin at paminta.
4. Sa isang bowl, batihin ang itlog at isama ang all purpose cream at grated cheese.
5. Sa isang baking pan, lagyan ng butter or margarine ang base at gilid ng pan. Or pwede ding lagyan ng dahon ng saging.
6. Sa bowl na pinaghaluan ng itlog at cream isama ang ginisang bacon at tuna.
7. Ilagay sa baking pan ang pinaghalong mga sangkap. Ilagay din sa ibabaw ang hiniwang hard boiled egg at isalang sa oven or turbo broiler sa init na 250 degrees or higit pa sa loob ng mga 20 minuto or hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis