A CELEBRATION OF LIFE and FRIENDSHIP

Last June 12, naimbitahan kami ng kaibigan at kumare naming si Shiela sa kanilang tahanan sa Sucat, Paranaque para sa kanyang kaarawan.   Pagsasama-sama na rin ito ng aming mga kaibigan na kasama na namin sa matagal na panahon. 

Para sa background, 8 kaming lalaki na magkakaibigan na magkakasama sa isang apartment way back early 90's pa sa Baclaran, Paranaque.   3 sa amin ay nasa ibang bansa na.   Dalawa (Bong at Dennis laki) ay nasa Amerika at ang isa naman (Mon) ay nasa Sydney, Australia.

Dapat sana nung April or May kami magkikita-kita pero sa hindi malamang dahilan ay hindi matuloy-tuloy.   Kaya minarapat ng mga birthday na sa June 12 na lang gawin ang kanyang celebration para siguradong wala lahat pasok sa work.

Nag-agree kaming lahat na tanghali pa lang ay umpisahan na namin ang party.   12:15 ata kami dumating at nakahanda na talaga ang mga pagkain aming pagsasaluhan.

May inihaw na liempo at masarap talaga ang pagka-timpla.

Mayroon ding calderetang baboy na malasang-malasa ang sauce.

Winner ang lumpiang shanghai.   Dito nga ay may natutunan ako sa host na balak kong gayahin next na magluto ako nito.   Abangan.

Yunbg sugpo nila ay kakaibang luto din ang ginawa.   Isinaing nila ito sa tuyong kamyas.   Mas naging malasa nga ang hipon sa ganitong luto.

Syempre hindi mawawala ang noodles sa isang birthday.   masarap din ang pagkaluto ng sauce nila.




May Leche plan, buco salad at buco gelatin din para panghimagas.   Winner lahat ito pero nagpigil ako komo bawal sa akin ang matatamis.

Kasama din namin ang aming mga anak na enjoy na enjoy sa food at pakikipaglaro.

Syempre kapag ganitong nagkikita-kita, hindi pwedeng mawala ang inuman.   Pati ang aming mga asa-asawa ay nakisabay din sa tagayan.   Hehehe

At para makumpleto na, syempre may kantahan din.   Talaga namang napakanta ako kahit walang practice.  Hehehehe

Kami 5 sa itaas na pict ang naririto na lang sa Pilipinas.  Nagpapasalamat ako sa Diyos kahit papaano ay nagkikita-kita pa rin kami para gunitain ang aming samahan at pinagsamahan noong kami ay magkakasama pa.   Isang pagkakaibigan na sa aking palagay ay hindi matutumbasan ng kahit ano pa man.

Umuwi kaming lahat sa aming mga tahanan baon ang saya at ngiti sa aming mga labi at umaasa na sa madaling panahon ay magkita-kita kaming muli para pagtibayin pa ang aming pagkakaibigan.   Dalangin ko na sana sa susunod ay makasama naman namin ang 3 pa naming kaibigan na nasa ibang bansa.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy