IGADO

Ang Igado ay isang popular na lutuin sa mga Ilocano.   Kung baga, ito ay isang espesyal na dish na inihahanda nila sa mga espesyal na okasyon. 

Ang igado ay para din lang menudo.   Ang pagkakaiba lang nila ay ang igado ay hindi nilalagyan ng tomato sauce sa halip ay suka lang at toyo.

Noon ko pa binabalak na magluto ng Igadong ito.   Sa hindi ko matandaang dahilan ay hindi matuloy-tuloy.   Nitong nakaraang Sabado sa wakas ay natuloy din.   Pero bago nangyari iyun, nag-research muna ako para sa mga sangkap nito.   Marami ding version akong nakita at ito ang ginamit ko sa akibng version.   Yung iba kasi bukod sa atay ay mayroon ding puso, lapay at kidney ng baboy na inilalagay.   Pero komo nga hindi naman mahilig ang mga anak ko sa lamang loob at bawal din sa akin, minarapat kong baboy at atay lang ang gamitin para sa dish na ito.   At hindi naman ako nabigo, masarap ang kinalabasan ng aking Igado.








IGADO


Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into strips)
1/2 kilo Pork Liver (cut also into strips)
1 pc. large Carrot (cut also into strips)
1 pc. large Potato (cut also into strips)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut also into strips)
1 cup Green Peas
1 cup Vinegar
1 cup Soy Sauce
1 tsp. ground Black Pepper
2 pcs. Tomatoes sliced
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Canola oil
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang karne ng baboy ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali
2.   Sa isang kawali, i-brown ang minarinade na karne ng baboy sa konting mantika.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
4.   Ilagay na ang na-brown na karne ng baboy.
5.   Ilagay na ang suka, toyo at mga 2 tasang tubig.   Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa.
6.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.   Hayaang maluto ang patatas.
7.   Huling ilagay ang atay ng baboy, green peas at timplahan ng maggie magic sarap.   Hayaang maluto ang atay.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy