INAY ELO's 88th BIRTHDAY


Last Sunday June 24, 2012, ipinagdiwang ng aking mother in-law na si Inay Elo ang kanyang ika-88 kaarawan.   Kaya naman kaming buong pamilya ay umuwi sa kanilang tahanan sa Batangas para kahit papaano ay maipag-diwang namin ang kanyang kaarawan.

Bale nag-ambag-ambag silang magkakapatid (2 ang nasa ibang bansa) para sa handa.   Gusto daw ng may birthday ay lechon at relyenong bangus.  Kaya naman yun nga ang aming inihanda.


May cake at ice cream na pinagsaluhan para sa meryenda.   Ang kapatid nilang si Beth ang sumagot nito.



Syempre ang lechon na hiniling ng may birthday.   Ang sarap ng lechon na ito.   Malasa ang laman at malutong talaga ang balat.

Komo birthday ang handaang ito, syempre hindi mawawala ang noodles.   Bacon Basil pasta ang aking niluto.   Parang carbonara din siya pero nilagyan ko ng fresh basil for added flavor.


Isa pa sa hiling na handa ay itong relyenong bangus.  Ako ang nagluto nito.   Nagustuhan kasi niya ito noong nagdala ako ung fiesta.  Bale ang kanilang kapatid na si Lita ang sumagot nito.   Nagpadala siya ng pera sa aking asawa at ako lang ang nagluto.


Ito namang Crab Salad Spring Roll na ito ay hiling ng aking asawang si Jolly.   Nabitin ata siya nung father's day na kumain kami nito sa Pizza Hut.  To add a twist, nilagyan ko pa ito ng hinog na mangga at cashew nuts.


Tinolang native na manok naman ang share ng kanilang Kuya Alex.   Ang sarap nito lalo na yung sabaw.   Iba talaga kapag native ang manok na ginagamit sa sinabawan.

Ito namang chilled fruit cocktail ang inambag ng kanilang Ate Pina.   Kakatapos lang daw ng gastos niya nung fiesta kaya ito labng ang nakayanan niya.   Hehehehe


Bakas sa mukha ng may birthday ang kasiyahan nung mga oras na iyun.   Parang lalo siyang sumigla. 

Syempre kagulo ang lahat sa picture-picture.   Tingnan nyo masama na ang tingin ng bunso kong anak na si Anton sa mga pagkain.   hehehehe

Bakas sa mukha ng lahat ang kasiyahan sa mga pagkaing aming inihanda.   Lahat naman sila ay nag-enjoy.

Dalangin ko sa Diyos na sana ay bigyan pa ng marami pang kaarawan ang aking Inay Elo.   Sabi ko nga, kapag umabot siya sa kanyang ika-90 kaarawan ay itotondo na namin ang handa.   hehehe.   Bakit naman hindi?   Bibihira na sa ngayon ang umaabot sa ganoong idad.

Muli...HAPPY BIRTHDAY INAY ELO!!!!!

Comments

J said…
Happy Birthday to your mother-in-law! Bongga ang handa ni Inay Elo! Pakihagis na nga dito yung mga natirang lechon hehehe.

Kuya pinost ko nga pala yung Picadillo na kinopya ko sa blog mo! Check it out!
Dennis said…
Thanks J.....Nung MOnday paksiw na lechon ulam namin. hehehehe

Oo nakita ko na yung post mo....regular din akong nagbi-visit sa blog mo...di lang ako nagko-comment....hehehehe.

Hindi ba dapat prito yung itlog? hehehe. Tama yung suggestion mo na quail egg ang ilagay.

Thanks J :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy