KUTSINTA o PUTO?
Paborito ng aking pamilya ang kutsinta. Pero sa totoo lang hindi ako marunong gumawa nito. Kaya naman nitong may nakita akong instant kutsinta ready mix ay binili ko agad para masubukan sa bahay.
Sinunod ko ang lahat ng nakasulat sa likod ng kahon kung papaano ito gawin at lutuin. Exited ako dahil matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng kutsinta. Sa larawan pa lang sa kahon ng ready mix powder ay natatakaw na ako sa kakalabasan ng aking niluluto.
Pero laking pagtataka ko ng buksan ko ang takip ng steamer after 15 minutes. Bakit umalsa ang mixture (please see the first photo) na parang puto samantalang kutsinta ang niluluto ko? I am expecting na kagaya nung sa kahon ang kakalabasan.
I still wait for another 15 to 20 mionutes pero ganun pa rin ang kinalabasan. Ang bottom line, puto ang lumabas sa inaasam-asam kong kutsinta. Hindi ko alam kung bakit? May mali kaya sa manufacturer ng produktong ito? Ang alam ko tama naman at sinunod ko ang procedure sa kahon.
Well, nakain pa rin naman ang kutsinta con puto na ito. Charge na lang sa experience....hehehehe. But I'm trying to call the attention of the manufacturer para naman hindi na maulit ang mga bagay na ito.
Better siguro na gumawa na lang ako ng sa akin....hehehehe
Dennis
Comments