PASTA and BACON in POMODORO SAUCE
Ito ang pre-Father's Day breakfast na niluto ko last Saturday. Treat ko na din sa sarili ko. Hehehehe. Mahilig din kasi ako sa pasta, bacon at cheese. Yan ang namana sa akin ng bunso kong anak na si Anton.
Ito ang naisip kong luto na gawin sa 1 can na Italian Dice Tomatoes at sa 1/2 kilo ng bacon na sale sa SM Makati. Di ba overload sa bacon itong pasta na ito? hehehehe
Simple lang ang dish na ito at walang masyadong komplikadong sangkap. It is just pasta, bacon, dice tomatoes at cheese. Ofcourse di naman mawawala ang bawang, sibuyas at olive oil. Whats good in this dish is the pomodoro sauce. Compare sa tomato sauce, sa tingin ko ay mas rich sa flavor ang dice tomatoes lalo na itong galing pa ng Italy. Yummy talaga.
PASTA and BACON in POMODORO SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Pasta (spaghetti, linguine, fettucinni ay pwede)
500 grams Bacon chopped
1 can Dice Tomatoes
1/2 bar Cheese grated
1 large Onion chopped
1 head minced Garlic
a bunch of Fresh basil chopped
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang bacon at hayaang matusta ng konti.
4. Hanguin ang kalhati ng bacon at itabi muna.
5. Ilagay na ang dice tomatoes at fresh basil.
6. Timplahan ng asin, paminta at kalhati ng grated cheese.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Ihalo sa sauce ang nilutong pasta. Haluin mabuti.
9. To serve, maglagay ng nais na dami ng pasta sa plato at lagyan ng hinangong toasted bacon at grated cheese sa ibabaw.
Ihain na may kasamang pandesal or toasted bread.
Enjoy!!!
Comments