PINANGAT NA TULINGAN
In the last Saturday episode ng Jessica Soho Report sa Channel 7, may ipinakita sila doon na isang contest sa Cavite ba o Batangas na pagalingan magluto ng Pinangat na Tulingan. At yung nanalo ay ipinakita niya kung papaano niya ito niluto. Tinandaan ko talaga ang step by step na ipinalabas at plano kong gayahain para mai-post ko dito sa blog.
Sa aking panonood napansin kong parang sinaing din lang ang luto na ginawa sa pinangat na ito. Ang pagkakaiba lang ay yung nilagyan niya ng dahon ng saging ang bottom at ibabaw ng palayok na pinalutuan. Ang mga sangkap ay pareho din lang ng sinaing.
Ganun pa man ay ginaya ko pa rin ang pinangat na tulingan na ito. Komo wala naman akong makukuhanan ng dahon ng saging dito sa Manila, minarapat kong tangkay ng leeks na lang ang aking ginamit para kagaya nung sabi ng nasa tv ay para hindi manikit sa bottom ng lutuan ang tulingan.
Sa ilang beses kong magluto ng sinaing na tulingan, masasabi kong ito ang pinaka-masarap sa aking nagawa. Masarap ang sabaw o ang pinaka-patis nito. Kahit nga ang aking mga anak ay nag-aagawan pa sa pagsasabaw ng patis sa kanilang kanin. hehehehe
PINANGAT NA TULINGAN
Mga Sangkap:
5 pcs. medium size Tulingan
1 dakot na tuyong Kamias
4 na tangkay ng Leeks
2 tbsp. Vinegar
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang isdang tulingan. Alisin yung pinaka-buntot nito. Hiwaan ng palihis ang magkabilang side ng isda at saka piratin o i-press. Asinan din ang magkabilang side.
2. Sa isang palayok o heavy bottom na kaserola, ilatag ang leeks sa isang layer. Ilagay din ang tuyong kamias, bawang at dalawang kutsarang suka.
3. Ihilera na din ang isdang tulingan. Ang pangalawang layer ay ipahalang ang lagay.
4. Lagyan ng tubig at paminta. Dapat lubog ang isda sa tubig.
5. Takpan at hayaang maluto sa mahinang apoy sa loob ng 4 hanggang 5 oras. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Enjoy!!!!
This is my entry for:

Comments
Thanks iska.. :)
Visiting for FTF- hope you can stop by..
http://myrecipecollection.info/2012/06/plain-fruit-salad.html
Pakilala ka naman
Dennis