RELYENONG BANGUS


Minsang nag-email sa akin ang kapatid ng asawa kong si Jolly na si Elizabeth na nagtatanong kung papaano daw magluto ng Relyenong Bangus.   Ang sagot ko lang, mahabang salaysayin ang pagluluto nito.  At hayaan niya at magluluto ako nito para sa Tapusan sa Batangas.

Masasabing espesyal ang putaheng ito.   Bakit naman hindi, masyado itong matrabaho lalo na yung pag-aalis ng tinik sa laman ng bangus.   Bale may tatlo luto na involve sa buong proseso at ang pinaka-mahirap ay yung panghuling luto ang pagpi-prito.  Dito kasi pwedeng masira ang balat o katawan ng bangus.   Syempre mas mainam kung buo ito at itsurang bangus pag ihahain na.

Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabasan ng aking relyeno at nagustuhan talaga ng mga bisita.


RELYENONG BANGUS

Mga Sangkap:
6 pcs. large size Bangus -about 4 kilos (Maaring paalis na yung laman sa katawan o balat ng bangus sa palengke)
1 kilo Pork giniling
3 pcs. large Potato cut into small cubes
2 pcs. large Carrot cut into small cubes
2 pcs. large Red Bell Pepper cut into small cubes
1 cup Raisins
1 cup Green Peas
6 pcs. Fresh Eggs
3 cups All Purpose Flour
1 cup Soy Sauce
10 pcs. Calamansi
2 pcs. large Tomatoes chopped
1 large Onion finely chopped
1 head minced Garlic
1 tsp. ground Black pepper
1 tsp.   Maggie magic
Salt to taste
3 tbsp. Butter or Margarine
Cooking oil for frying
6 pcs. Barbeque sticks

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang katawan ng bangus.   Ibabad ito sa pinaghalong katas ng calamansi, 1/2 cup na toyo, paminta at maggie magic sarap.
2.   Sa isang kaserola, pakuluan ang laman ng bangus sa tubig na may asin at paminta hanggang sa maluto.
3.   Hanguin at palamigin sandali.
4.   Himayin ang laman ng bangus at alisin yung maliliit na tinik.
5.   Sa isang medyo malaking kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter or margarine.
6.   Isunod ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
7.  Ilagay na din ang hiniwang patatas, carrots, red bell pepper at 1/2 cup na toyo.   Halu-haluin.
8.  Kung luto na ang patatas, ilagay na ang hinimay na laman ng bangus, raisins at green peas.   Halu-haluin.
9.   Timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
10.   Palamigin ang nilutong palaman sa bangus.
11.   Sa isang bowl batihin at paghaluin ang itlog at harina.
12.   Ihalo ito sa pinalamig na palaman sa bangus.
13.   Palamanan ang katawan ng bangus hanggang sa masiksik.   Lagyan din ang pinaka-ulo nito.
14.   Lagyan ng barbeque stick ang bibig ng bangus paputa sa katawan.   Sa pamamagitan nito maho-hold ng katawan ang ulo ng bangus at magiging madali itong i-prito.
15.   Lagyan ng harina ang katawan ng bangus bago i-prito.
16.   I-prito ang bangus sa katamtamang init ng kalan hanggang sa pumula ang balat at maluto ito.

Palamigin muna bago i-slice at saka ihain na may kasamang banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
i love this. we'd always buy nga lang since ma-trabaho gawin :P
Dennis said…
Thanks pinkcookies....Sinabi mo pa...pero sabi nga may masarap magbigay ng isang bagay na pinaghirapan talaga....hehehe

Thanks again..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy