TINOLANG MANOK AT PAKWAN


Napanood nyo ba yung episode ng Jessica Soho Report sa Channel 7 last Saturday?   May na-feature kasi doon na dish sa isang restaurant sa Quezon City na naging interesante para sa akin.   Bakit naman hindi?   Para siyang tinola o sabihin na nating tinola nga ito pero nilagyan ng pakwan at tanglad.   Yes.   Pakwan as in yung prutas na masarap kainin lalo na kung mainit ang panahon.

Nung mapanood ko ang episode na yun, pinlano ko talaga na gayahin iyun at tingnan kung masarap bang talaga itong classic nating tinola na nilagyan ng pakwan.   I just follow kung ano yung ipinakita sa tv at yun nga ang ginawa ko.  At hindi nga ako nabigo, masarap at napaka-rich ng sabaw niya.    May konting tamis na tamang-tama sa ating panlasa.   Try nyo din.


TINOLANG MANOK at PAKWAN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
1 pc. large Sayote or small Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki)
1 tangkay ng Tanglad sliced (white portion only)
1/3 Watermelon o Pakwan
2 thumb size ginger sliced
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Canola oil
1 tali Dahon ng sili
5 pcs. Siling pang-sigang
salt or patis and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ang pakwan ng pahalang (1/3 ng pakwan).   Kuhanin yung top or bottom part.   I-scoop ang laman at ilagay sa blender.  
2.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad sa mantika.
3.   Ilagay na ang manok at timplahan ng asin, patis at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
4.   Lagyan ng nais na dami ng sabaw, takpan at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
5.   Sunod na ilagay ang hiniwang papaya o sayote, siling pang-sigang at ang binlender na pakwan.   Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sayote o papaya.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang dahon ng sili at saka patayin ang apoy.

To serve, gamit ang pinagkuhanan ng laman ng pakwan, lagyan ito ng tamang dami ng manok, gulay at sabaw.  lagyan din ng hiniwang laman ng pakwan ang ibabaw.

I-serve habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

anne said…
I really find this one amazing, I even let my sister read your recipe and I guess we could follow it, it is easy peasy. I am really curious about the taste. Visiting from FTF heres mine Sahms Dining Diary
Dennis said…
Thanks anne....Yan din ang tanong ng Tita ko nung mabasa niya ang recipe. Kahit ako nagulat sa kinalabasang lasa ng sabaw. Tamang-tama sa maulan na panahon. Hehehehe
J said…
Wow napaka-interesting. Try ko rin ito pag mura na ang pakwan hehe.
peachkins said…
interesting recipe, Dennis! dropping by from FTF!!
Dennis said…
Thanks J....Ang dami nga ang nagtatanong...ano daw kaya ang lasa nun? sabi ko lang, tinola pa rin na nag-level-up....hehehe
Dennis said…
Kahit ako peachkins naging interesado nung mapanood ko ito sa Jessica Soho Report last last Satuday....pero masarap talaga....hehehe. Imagine tinola with a red sabaw.....hehehehe
Jessica Cassidy said…
yay! ang sarap cguro nito, try ko nga pag nasa Pinas na kami :-) Salamat sa recipe :-) Dropping by from last weeks FTF.
Dennis said…
Thanks Jessica. Winner itong dish na ito....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy