TORTANG BANGUS


Nung unang beses akong nagluto ng relyenong bangus, ginawa kong bangus embotido ang natirang palaman.   Dinagdagan ko lang ng itlog pa para hindi durog-durog kapag hinihiwa na.   Actually, maraming pwedeng gawin pa sa natirang palaman ng relyenong bangus.   Pwede mo din gawing lumpiang shanghai, fish burger, fried dumpling, bola-bola with sweet and sour sauce o kaya naman ay itong ngang tortang bangus.

Kagaya ng bangus embotido, dadagdagan mo lang ng itlog ang naluto nang palaman at ipi-prito mo na.  Dito sa post ko for today, nilagyan ko pa ng easy to squeese na cheese wiz sa ibabaw para mas lalong kagana-gana ang itsura.   Lalo na sa mga bata, tiyak kong magugustuhan nila ito.

Pwede nyo ding gawin ang tortang bangus na ito gamit ang natirang laman ng hinimay na bangus.   Igisa lang na may kasamang patatas, carrots, red bell pepper at pwedeng-pwede na.   Pwede nyong gamitin yung fresh boneless bangus na nabibili sa mga supermarket o palengke.   Mas okay na hilaw yung igigisa nyong laman ng bangus para mas malasa ang kakalabasan.   Try it.


TORTANG BANGUS

Mga Sangkap:
5 cups Pampalaman sa Relyenong bangus
3 Eggs beaten
2 tbsp. Canola Oil
Easy Squeeze cheese Wiz

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang binating itlog at pampalaman sa relyenong bangus.
2.   Sa isang non-stick na kawali painitin ang 2 kutsarang mantika.   Ikalat sa bottom at paligid ng kawali.
3.   Kung mainit na, ilagay ang pinaghalong itlog at palaman ng relyeno.   Gawing parang isang malaking burger patty ang inyong niluluto.
4.  Kung sa tingin nyo ay luto na ang bottom na pahabi ng inyong torta, kumuha ng isang plato na mas malaki sa bilog ng nilulutong torta.   Itaklob ito at baligtarin ang kawali.   I-slide muli ang torta pabalik sa kawali at hayaang maluto ang kabilang side ng torta.
5.   Tusuk-tusuking ng tinidor ang ibabaw ng torta para maluto din ang loob nito.
6.   Kung sa tingin nyo ay luto na ito, hanguin sa isang lalagyan at palamigin ng konti.
7.   Lagyan ng easy squeeze na cheese wiz sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ayos kuya ha... parang frittata!
Dennis said…
Yes J....dito sa amin sa Bulacan torta ang tawag dyan....kung medyo sosyal ang gusto mong itawag pwede ang frittata.....hehehehe

Regards

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy