BAS-OY: BULALO???


Madalas ba kayong manood ng Jessica Soho Report sa Channel 7 tuwing Sabado?   Mapapansin nyo siguro sa mga nakaraang episode nila, may mga pagkain sila na pini-feature with matching demo.   Di ba dito ko din nakuha yung recipe ko sa chicken tinola na may pakwan?

This time ito namang dish natin for today ang nakuha sa show na yun.   Bas-oy.   Actually ang pini-feature nila doon ay yung mga lalaki na mahilig din na magluto.   At ito ngang bas-oy ang ginawa niya.

Base sa kwento nung guy na nagde-demo kung papaano ito lutuin, espesyal na soup dish ito sa Bukidnon.   Para din siyang bulalo pero may sahog ding luya at tanglad o lemon grass.   I think yun ang nagpa-iba sa bulalo.   Mas lalo itong sumarap at may kakaibang flavor talaga.   Nawala din yung konting anggo ng baka dahil sa luya.

Try nyo din ito.   Masarap talaga lalo na ngayong naguulan dito sa Pilipinas.   hehehehe


BAS-OY:   BULALO???

Mga Sangkap:
1.5 kilo sliced Beef Shanks
2 -3 tangkay ng Tanglad o Lemon Grass
2 thumb size Ginger cut into strips
2 large Onion quatered
1 tangkay na Leeks cut into 1 inch long
1 medium size Pechay Baguio
100 grams Baguio beans cut into 1 inch long
2 pcs. medium size Red Bell Pepper cut also into strips
1 tsp. whole Pepper Corn
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang baka sa tubig na may asin hanggang sa lumambot.
2.   Ilagay ang sibuyas, luya at tanglad.   Hayaang kumulo pa ng mga 15 minuto.
3.  Sunod na ilagay ang pamintang buo, Baguio beans at red bell pepper.
4.   Huling ilagay ang leeks at pechay Baguio.
5.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Good evening Mang Dennis. Bakit tuwing akong magluluto ng bulalo ay natatanggal ang utak. May sekreto ba ito. Ang araw araw mong taga-subaybay sa mga masasarap mong recipe. Perlie of Lipa City. God Bless.
Dennis said…
Matatanggal talaga yun....taba din kasi yun...so sa tagal na pinalalambot ang karne malulusaw talaga yun o natatanggal. Wala naman sekreto...siguro yung iba naiiwan yung utak komo makapal siya o marami.

Thanks Ms. Perlie... :)
J said…
Naku sarap niyan kuya. Dito ay specialty product din ang bulalo... may nabibili namang bone marrow sa mga dept stores pero bihira!
Dennis said…
Thanks J....Kagaya ng nasabi ko Bas-oy ang tawag dito ng mga taga Bukidnon. Dito sa manila bulalo nga...sa Cebu naman pochero. Sa madaling salita nilagang baka ito....hehehehe.

Pero kakaiba nga ang lasa nito kapag nilagyna mo ng luya at lemongrass...mas masarap talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy