BIKO-LANGKA
The last time na umuwi kami ng Batangas noong nag-birthday ang aking biyenan last June 24, pinauwian kami ng aking biyenan ng bunga ng langka. Para hindi pahirapan na iluwas pa ng Maynila, hinimay na ang laman nito at inilagay sa isang lalagyan.
Napansin ko ito na ilang araw na din na naka-lagay sa aming fridge, at naisipan kong bakit hindi ako gumawa ng biko na may kasamang langka. Paborito ko ang biko lalo na kung may kasamang freshly grated na niyog.
Ofcourse hindi ko iilagay ang lahat ng langka sa biko. Ilang piraso lang ang ginamit ko para lang magka-flavor ang biko. Yung iba ay minatamis ko at pwede ding isama sa kinakaing biko.
Masarap ang kinalabasan at ang sukatan nga kung masarap ito ay kung nagustuhan ng aking mga anak. Hehehehe.
BIKO-LANGKA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Malagkit na Bigas (isaing na parang nagsaing lang ng ordinaryong bigas)
2 pcs. Niyog (kuhanin ang kakang gata)
1/2 kilo Brown Sugar (or less depende sa tamis na gusto ninyo)
2 cups Minatamis na Langka (himayin o hiwain ng maliliit)
Star margarine or butter
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang malagkit na bigas na parang nagsaing lang ng ordinayong bigay. Less water mas mainam dahil lulutuin pa ito sa langis at asukal.
2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang kakang gata at lutuin hanggang sa maka-kuha ng latik. Huwag laging hahaluin para mabuo ang latik. Kung brown na ang kulay ng latik, hanguin ito sa isang lalagyan.
3. Isalin ang nilutong malagkit na bigas sa pinaglutuan ng latik.
4. Ihalo na din ang brown sugar at langka.
5. Haluin ito hanggang sa medyo kumunat na ang inyong biko. (about 20 to 30 minutes)
6. Lagyan ng margarine o butter ang mga paglalagyan ng biko. (plato, llanera, bilaong may dahon ng saging, etc.)
7. Hanguin sa mga lalagyang may margarine ang nilutong biko.
8. Ilagay sa ibabaw ang nilutong latik.
Ihain na may minatamis na langka sa gilid o ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks for the visit my friend... ;)