BURGER STEAK with CREAMY GARLIC SAUCE
Lahat kami sa bahay ay mahilig sa hamburger. Sa mga fastfood chain dito sa Pilipinas, personally gusto ko yung sa Burger King. Masarap kasi talaga at mayroong smokey taste habang ito ay iyong kinakain. Pangalawa ay yung bagong burger ng McDonalds yung Big and Tasty burger. Just like yung sa burger king, may smokey taste din ito at enjoy ka talaga sa sarap. Far third na siguro ang Champ ng Jollibee, although tamang-tama ang lasa niya para sa akin. Unahan ko na ha, hindi ako binayaran para sa mga fastfood chain na ito....hehehe....wish ko lang.....hahahaha.
May ilang burger steak recipes na din ako sa archive. Sa burger steak naman, ang gusto ko ay yung natural na flavor lang ng beef. Ayoko nung may kung ano-anong spices na ilalagay na natatakpan na halos yung lasa ng beef. Pero syempre dapat masarap at malasa ang sauce na ilalagay mo dito. At yun nga ang highlights ng burger steak na ginawa nitong nakaraang araw. Komo paborito ng mga anak ko ang white sauce, yun ang inilagay ko sa burger steak na ito. Ayun! Anubos ang sauce at may natirang burger.....hehehehe.
BURGER STEAK with CREAMY GARLIC SAUCE
Mga Sangkap:
2 large Onion finely chopped
1 head minced Garlic
4 tbsp. Worcestershire Sauce
2 cups Breadcrumbs
2 pcs. Eggs
Salt and pepper to taste
For the Sauce:
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Butter
1 head minced Garlic
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa burger. Maaring kumuha ng konti ng pinaghalong sangkap at i-prito o i-steam. Tikman at i-adjust ang lasa.
2. Gumawa ng mga burger patties at i-pan grill sa katamtamang lakas ng apoy. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. For the sauce: Sa isang saucepan, ilagay ang butter at i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa parehong lutuan, ilagay na ang all purpose cream at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Tikman ang sauce at i-adust ang lasa.
5. To assemble: Lagyan ng sauce ang ibabaw ng burger at budburan ng toasted garlic bits.
Ihain na may kasamang mainit na kanin, mush potato at buttered vegetables on the side.
Enjoy!!!!
Comments