CASHEW CHICKEN - My 1,000th Post


Napaka-espesyal ng posting kong ito for today.   Bakit kamo?   Ito kasi ang aking ika-1,000 na post.   Palakpakan naman dyan!!!!!   Hindi ko lang sure kung ilan ang recipes dito at ang mga events and articles.  Sobra akong natutuwa na sa loob pala ng mahigit 3 taon mula ng sinimulan ko ang food blog kong ito ay nakagawa na ako ng ganitong karaming post at marami dito ay mga recipes.

Pangalawang beses ko pa lang na-try na magluto ng dish na ito.   September 2009 yung unang version.   Para sa akin mas masarap itong second version ko na ito.   Binago ko ng konti ang paraan ng pagluluto at sinamahan ko din ng ibang technique para mas lalo pa itong sumarap.   Kaya naman itong dish na ito ang napili ko para maging ika-1,000 post ko.

Para po sa inyong lahat ito.   Mabuhay! po tayong lahat....


CASHEW CHICKEN 

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (walang balat..cut into bite size pieces)
1 cup Toasted Cashew nuts
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 medium size Carrot (sliced)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 cup Leeks (sliced)
1 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (quartered)
2 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
1 tsp. Sesame Oil
2 tbsp. Canola Oil
1 tsp. Cornstarch
1/2 tsp. baking Soda

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang manok ng asin, paminta at baking soda.   Hayaan ng ilang sandali. 
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at luya sa kaunting mantika.
3.   Sunod na ilagay ang manok.  Hayaang masangkutsa.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na ang toyo at mga 1/2 tasang tubig.   Hayaang kumulo hanggang sa kumonti na lang ang sabaw.
5.   Ilagay na din ang carrot, oyster sauce at brown sugar.   Hayaan muli ng ilang sandali
6.   Sunod na ilagay ang red bell pepper at leeks.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9.  Huling ilagay ang sesame oil at saka hanguin sa isang lalagyan.

I-garnish ng hiniwang leeks at toasted cashew nuts pa sa ibabaw bago ihain.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

UT-Man said…
Wow 1,000 post kana, ang sipag mong mag-post at magluto syempre. Congratulations!!!
Dennis said…
Thanks my friend....hehehe. At timing na din sa ika-1000 post ko, na-received ko na din ang first payment ko from google. hehehehe.
lanie said…
wow congrats sa iyong 1000 post, mabuhay ka :-), napakasipag mo naman! Happy Food Trip Friday sayo, sana ay makabisita karin sakin snack time at zymurgy cafe salamat..
Dennis said…
Thanks Ms. Lanie.....for sure bibisita ako sa blog mo. Thanks again
Mylene said…
Mukhang masarap nga :) Nakakatuwa naman na naka 1000 post ka na. Ako din inabot ng ilang taon bago ko nakuha ang unang payment ng google adsense :)

Here is mine and this too.
Arlene said…
mukhang masarap! sigurado masarap ito. it reminds me of a chinese dish with nuts/cashew nuts and or related nuts.

congratulations to the 1000th post!
Dennis said…
Thanks Mylene. Nakakatuwa nga...kasi nalilibang ka na sa pagba-blog tapos kumikita ka din kahit papaano...hehehehe. Saan pala yung link ng blog mo?
Dennis said…
Thank Arlene...Garantisado yan. Sa amoy pa lang ay panalo na...para ka na ring kumain sa isang mamahaling chinese restaurant.
J said…
Wooohooo!!! *clap clap clap* Congrats to my favorite kuya! Sana isang araw ay magkita din tayo sa personal hehe. Patikimin mo ako ng luto mo! j/k
Dennis said…
Thanks J....I'm looking forward to that meeting....Saan ka pala dito sa Pinas? Kailan ulit ang uwi mo? I hope na ma-meet nga kita in the future.

REgards,


Dennis
Anonymous said…
kuya dennis, nkaka aliw po ang blog mo. suggestion lang po kung inyong mamarapatin, na sana po nka classified ang mga niluluto nyo (like under pork, seafoods, veggie section), para po mas madali siyang hanapin :)

mabuhay po! :D

sacha
Dennis said…
Yup Sacha...naka-tag naman ...nakalimutan ko lang siguro ang para sa isang ito....hehehehe. Thank you sa support. Paki-click na din yung mga adds....hehehehe
Ann said…
Congrats sa iyong 1000th post naway maabot ko rin ang ganyan :)(asa).Nakkatuwa ang iyong blog napakaraming masasarap na pagkain ako'y natatakam!! Hello I'm Ann visiting from FTF and Food Friday!
Dennis said…
Thanks Ann.... Natutuwa ako at nagugustuhan mo ang aking mga pino-post. Try mo din minsan yung mga recipe. Sana din ay mai-share mo itong food blog kong ito sa iyong mga kamag-anak at kaibigan.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy