CHEESY CHICKEN and SAUSAGE STEW



Kung titingnan mo sa pict ang dish na ito, masasabi mong para din lang itong ordinaryong chicken afritada o chicken menudo.   Unang plano ko talaga ay magluto ng waknatoy na chicken naman ang laman kaso nabago nga sa last minute nung nagluluto na ako.

Well, halos pareho lang talaga ang sangkap at paraan ng pagluluto nito sa afritada o menudo.   Pero ang kinaibahan nito ay ang lasa na masasabing kong kakaiba talaga at tiyak kong mapaparami kayo ng kain kahit sa sauce pa lang.   hehehehe.  

Ang key sa dish na ito ay ang sausage na gagamitin.   Actually pwede naman kahit anong sausage ang ilagay.   Importante sa kabuuan ng dish na ito ang lasa o flavor ng sausage.   Yun kasi ang magbibigay ng kakaibang sarap sa inyong chicken stew.   Dagdagan pa ng grated cheese, mas lalong napasarap nito ang kabuuan ng dish.


CHEESY CHICKEN and SAUSAGE STEW

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
2 pcs. Schublig or any flavorful sausages (sliced)
1 large Red Bell pepper (cut into cubes)
1 medium size Carrot (cut into cubes)
1 large Potato (cut into cubes)
2 cups Tomato Sauce
1 cup grated Cheese
1 large Tomato (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil.
2.  Sunod na ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay na ang sausage, patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce.   Takpang muli at hayaang maluto ang patatas.   Maaaring lagyan ng kaunting tubig kung nais na mas ma-sauce.
4.   Huling ilagay ang grated cheese.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Anong klase pong cheese kuya? Type ko ito gayahin pag nakabili ako ng bell pepper hehe
Dennis said…
Kahit anong cheese J pwede. Yung klase ng sausage ang tiyakin mong masarap at malasa. Yun kasi ang magbibigay ng kick sa iyong dish.

Thanks again my friend.
Anonymous said…
sir anu brand ng sausage recomnmend nyo ?
Dennis said…
Hindi ko matandaan yung brand....pero nabibili yun sa mga specialty store sa mga supermarket. Chorizo de bilbao is okay din basta yung malasa nga mga sausage. thanks for the visit

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy