CHEESY WINGS AND POTATO STEW


Kapag nagluluto ako, ang iniisip ko parati ay kung ano ang magugustuhan ng aking mga anak at asawa.   Bakit naman hindi?   Sila ang rason kung bakit ako nagluluto.   Dapat lang na masarap at tiyak na magugustuhan nila ang lulutuin ko.   Madalas ko ngang sabihin sila ang number 1 critic ko sa mga recipe na pino-post ko sa blog kong ito.


Kagayan nitong recipe natin for today.   Mahilig sa chicken, cheese at white sauce ang aking mga anak.   Kaya sa halip na i-tola ko ang mga chicken wings na nabili ko for dinner, niluto ko na lang siya ng may cheese wiz at milk.   Nagpasarap pa ang tosted garlic sa kabuuan ng dish.



CHEESEY WINGS AND POTATO STEW

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Wings
1/2 cup Cheese Wiz
1 cup Full Cream Milk
1/2 tsp.  Dried Basil
2 pcs. Potatoes quartered
1 thumb size Ginger sliced
1 head minced Garlic
1 large Onion chopped
2 tbsp. Butter
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.  Sunod na igisa ang luya at sibuyas.   Halu-haluin.
3.   Ilagay na ang chicken wings at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
4.   Ilagay na ang dried basil, patatas at 1 tasang tubig.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5.   Huling ilagay ang cheese wiz at gatas.   Hayaang kumulo ng mga ilang minuto.
6.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy