CHICKEN LIVER, CHAYOTE and MIXED VEGETABLES

Here's another budget friendly recipe na tiyak kong magugustuhan ng mga followers kong mahilig sa atay ng manok.   Yes.   Ang malasa at masarap na atay ng manok.

Masasabing budget friendly ang dish na ito komo kahit 1/2 kilo lang ang lutuin mo at lahukan pa ng gulay ay tiyak kong sasapat sa 5 hanggang 6 na kakain.   Siguro ang total cost sa dish na ito ay aabot lang ng mga P100.   O di ba mura yun?

Ang mainam pa sa dish na ito kahit sauce lang ay solve na solve ka na.  At kahit kapiraso lang ng atay ng manok na ilagay mo sa iyong kanin ay masisiyahan ka na.   Malasa kasi ang atay ng manok.

May na-post na akong ganitong dish sa archive.   Yun lang wala itong itlog ng pugo.   Pag nilagyan pa kasi natin hindi na magiging budget friendly.....hehehehe.   May kamahalan kasi ang itlog ng pugo.


CHICKEN, CHAYOTE and MIXED VEGETABLES

Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken Liver (cut into bite size pieces)
1 large Chayote or Sayote (cut into cubes)
2 cups Mixed Vegetables (corn, carrots, peas)
1/2 cup grated cheese
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Butter
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.  Sunod na ilagay ang atay ng manok at timpalahan na agad ng asin at paminta.  Hayaang masangkutsa ng ilang sandali.
3.   Isunod na agad ang chayote at mixed vegetables.   Lagyan ng 1/2 cup na tubig at takpan hanggang sa maluto ang chayote.
4.   Huling ilagay ang grated cheese at cornstarch na tinunaw sa tubig.
5.   Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
i love chayote with mixed veggies. i don't like liver except if it's adobo so i'd skip it :) mom cooks it same style as chopsuey & sometimes would add shrimp, ground meat or quail eggs.
Dennis said…
Tama pinkcookies...Kung ayaw mo ng chicken liver pwede mong i-replace ng shrimp or pork maybe. Thanks for the visit
Joysi said…
Sir Dennis,

I so love this recipe. Simple lang pero sobrang nagustuhan ng hubby ko. Next time, ill try to replace the liver ng beef strips. I shared this recipe sa mga officemates ko. And they'll follow your blog as well. Sobrang helpful po para sa mga working wives. God bless and Kudos!
Dennis said…
Salamat Ms. Joysi for sharing this blog of mine sa iyong mga ka-officemates and friends. Paki-sabi na rin paki-click yung mga ads para naman maka-earn ako ng points sa Google for extra revenue....hehehehe


Thanks again

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy