CRISPY PORK ADOBO
Ang Internet din ang source ko ng mga dish na pino-post ko sa food blog kong ito. Yung iba naman sa mga napapanood sa TV o kaya naman ay yung nababasa sa mga food magazines. Kapag may nadidiskubre akong bago at kakaiba, sinusubukan ko ito para na din matikman at mai-share na din ang resulta sa blog kong ito.
Kagaya nitong dish natin for today. May nabasa ako sa isang newspaper na may isang restaurant na ganitong luto ang ginagawa sa kanilang pork adobo. Best seller nga ito sa kanila kaya naisipan kong gayahon din. Yun lang, walang recipe na nakalagay (maybe trade secret nila yun) kaya naman ako na lang ang gumawa ng paraan para ma-try ko ito.
Yun lang medyo matrabaho kung tutuusin ang dish na ito. Dalawang beses mo kasi itong lulutuin. And to think na adobo ito, I'm not sure kung sa unang luto pa lang ay maubos na ito. hehehehe. Ito ngang niluto ko kamuntik nang hindi matuloy dahil ilang piraso na lang na pork adobo ang natira. hehehehe.
CRISPY PORK ADOBO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1 cup Cane Vinegar
1 cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 pcs. Dried laurel leaves
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
1 cup Cornstarch
1 cup All Pupose Flour
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang lahat ng sangkap para sa adobo.
2. Isalang ito sa apoy hanggang sa lumambot at maluto. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung luto na, hanguin ang laman na adobo at palamigin. Itabi muna ang sabaw o sauce ng adobo.
4. Kung malamig na, ilagay ang adobo sa iang plastic bag at ilagay ang cornstarch at harina. Lagyan ng kauting hangin ang loob ng plastic bag...isara...at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina at cornstarch ang lahat ng laman na adobo.
5. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging medyo crisp ang outer side ng adobo. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
6. For the sauce, isalang muli ang kaserola na pinaglutuan ng adobo at ilagay ang natira pang harina at cornstarch sa plastic bag. Haluin mabuti hanggang sa lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang crispy adobo kasama ang sauce on the side.
Enjoy!!!!
Comments
P.S. Ginaya ko uli yung white afritada mo. Naku, talaga namang nasarapan ang asawa ko. Thanks kuya ha. Ipopost ko in a few weeks. Dami ko pa kasi naka-line up na post hehehe.
Wow! Talaga? Nakakatuwa naman. Sige abangan ko yung post mo sa blog mo.
Regards,
Dennis
Thanks for the visit.... :)
Ahm, kelan ko lang po na-discover yung blog nyo, it's awesome :D As a mom-to-be (18 lang), need ko na mag-aral magluto :)
Thanks ulit and more power :D
Thanks again
Dennis