FISH and CHIPS with CREAMY GARLIC DIP
Dito sa Pilipinas may ilan na ring mga restaurant ang nag-o-offer ng mga ganitong pares ng pagkain at minsan ko na rin na na-try. Ang napansin ko, walang lasa yung mismong chicken o fish. Ang malasa ay yung dip o sauce na nasa side. So kailangan mo talagang i-dip doon yung fish o chicken para magkalasa.
FISH and CHIPS with CREAMY GARLIC DIP
Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory Fillet (cut into desired size)
1 pc. Lemon
Salt and pepper to taste
1 cup Cornstarch
4 pcs. Potatoes quatered (skin on)
Cooking oil for Frying
For the dip:
1 tetra brick All Purpose Cream
1 head minced Garlic
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Butter
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang Cream Dory Fillet sa asin, paminta, katas ng lemon at lemon zest. Hayaan ng ilang sandali.
2. Magpakulo ng mantika sa kawali. Dapat ay mg 1 inch o higit pa ang lalim ng mantika.
3. Sa isang plastic bag, ilagay ang fish fillet. Huwag isama ang marinade mix. Ilagay na din ang cornstarch. Alug-alugin ang fish fillet sa loob ng plastic bag hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat ng fish fillet.
4. I-prito muna ang hiniwang patatas hanggang sa maltuto at mag-golden brown ang kulay.
5. Sunod na i-prito ang fish fillet hanggang sa maluto at mag-golden brown din ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
6. For the dip: Sa isang sauce pan, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang gulay.
7. Isunod na agad ang all purpose cream at timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot pa ang sauce.
9. Tikman ang sauce at -i-adjust ang lasa.
Ihain ang nilutong fish fillet at patatas kasama ang Creamy Garlic Dip na ginawa.
Enjoy!!!
Comments