KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS


All time favorite sa food blog kong ito itong Kalderetang Buto-buto.  Marami na din ang nag-email sa akin na nagustuhan nila ang recipe kong ito ng pork kaldereta. 

Katulad ng adobo, marami ding version o pamamaraan ang iba sa pagluluto ng kaldereta.   At nasa panlasa na naman natin yan kung alin ang gusto natin.

Sa bayan ng asawa ko si Jolly sa Batangas, iba rin ang paraan nila ng pagluluto ng kaldereta.   Although, pangkaraniwan na baka o kambing ang kanilang kina-kaldereta, masarap talaga ang version nila ito.

Kaya naman naisipan kong ulitin ang kalderetang buto-butong ito pero gamit ang version ng mga Batangeno.   Simple lang ang kanilang pamamaraan at tiyak kong magugustuhan din ninyo ang version na ito.


KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Spareribs (buto-buto)
2 tbsp. Star Margarine
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
3 tbsp. Worcestershire Sauce
1 small can Liver Spread
2 pcs. large Potatoes cut into cubes
1 cup grated Cheese
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Chili Powder
1 tbsp. Achuete Seeds (disolve in 1/2 cup water)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
2 pcs. Tomatoes chopped
Salt to taste

Paraan ng pagluluto
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa margarine.
2.   Ilagay na ang pork spareribs, worcestershire sauce, sweet pickel relish, asin, paminta at mga 5 tasang tubig.   Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.   maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, chili powder ang ang katas ng achuete seeds.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4.   Huling ilagay ang liver spread at grated cheese.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya ano kayang pedeng i-substitute sa liver spread? Pag nagka-kaldereta kasi ako, laging powdered mix lang gamit ko dahil ayaw ng darling ko ng liver spread hehehe.

Pero wag ka - humihiling siya na magluto daw ako ng menudo (nakatikim kasi nung nagpunta kami sa Pinas). Menudo daw na walang atay hehehe.
Dennis said…
Hi J...Pwede naman na walang liver spread o atay...Yun lang iba talaga ang lasa ng sauce kapag mayroon nito. Dagdagan mo na lang ang sweet pickle relish at grated cheese. For sure masarap na masarap pa rin ang iyong kaldereta. Wag mo pala kalimutan ang chili powder o fresh na siling labuyo. Nandun yung sipa talaga ng dish na ito.

Menudo. Try mo yung Waknatoy na version ng menudo. Mas lalo siyang mai-inlove sa iyo. Hehehehe
Anonymous said…
ok boss yung mga recipe mo napakinabangan ko dito sa ibang bansa...salamat
Dennis said…
Thanks Anonymous..pakilala ka naman...hehehe. Basta may question ka i-post mo lang sa recipe na may tanong ka. thanks again
Anonymous said…
Okay Lang po ba kung walang pickle relish? What's the difference? Thanks po..
Dennis said…
Pwede din naman. Kaya lang yung sweet pickle relish kasi ang nagbibigay ng dagdag na flavor (yung sweet and sour) sa karne. Much better kung meron nito.
Anonymous said…
I have tried this recipe and super yummy.. This time nilagyan ko na po ng pickles.. Nagustuhan po ng family ko.. God bless you always and your family..
Dennis said…

Salamat din my friend....please continue supporting my blog.

Dennis
Anonymous said…
Hi Dennis,

Yung sweet pickle relish ba yung nabibili sa palengke na durog na pickles na kinikilo? Yung prdinary pickles ba un? Hindi na din ba nito kelangan bg tomto sauce?

Thanks!
Dennis said…
Yes...yun nga yun. May nabibili din na nasa bote. Yes walang tomato sauce. Batangas version kasi ito. Yung pangkaraniwang alam natin na caldereta ya may tomato sauce.
Unknown said…
Salamt sir dennis..i will try it today...sana magustihan ng asawa ko kc birthday nya ngaun..ok lng ba lgyan ko ng pasas?
Unknown said…
Salamt sir dennis..i will try it today...sana magustihan ng asawa ko kc birthday nya ngaun..ok lng ba lgyan ko ng pasas?
Dennis said…
Yes please try...for sure magugustuhan yan ng asawa mo.

Yes pwedeng din lagyan ng pasas
Unknown said…
Hi sir, saan part ilalagy yung 2 pc choped tomatoes. Wla kasi sa instruction. Thanks john
Dennis said…
Hi John.... Nasa instructions naman. Nasa #1 kapag nag-gigisa ka na.

Thanks

Dennis
Anonymous said…
Boss kung wlang worcestershire om lang?
Dennis said…
Pwede naman....mas malasa lang talaga kapag may worcestershire sauce.
Unknown said…
Can i saute everything inside a pressure cooker then pressure cook the meat? Do you recommend using a pressure cooker to cook the meat?
arjay said…
Boss pwede ba oyster sauce if ala Worcestershire sauce?
Dennis said…
Iba ang magiging lasa...hindi na caldereta yun. hehehe. Buto-buto in Oyster sauce na. Hehehe
Dennis said…
Or you just pressure cook the meat first then the rest of the instructions. Do not forget to include the sauce from the pressure cooker in the final cooking process.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy