LINGUINE PASTA in TOMATO, BASIL and OREGANO SAUCE
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng asawa kong si Jolly. Ito ang ginawa ko komo mas gusto niya yung pasta dish na hindi masyadong ma-sauce. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan niya ang niluto ko.
Hindi ko alam kung may ganito talagang recipe ng pasta. Basta ginamit ko lang kung ano yung available na pwede kong ilahok at ito na nga ang kinalabasan. Ginamitan ko pala ito ng Hunts Diced Tomatoes with Basil, Garlic and Oregano. Nung makita ko ito sa supermarket itong pasta dish na ito agad ang naisip ko. At tama nga ang nasa isip ko, masarap ang pasta dish na ito.
LINGUINE PASTA in TOMATO, BASIL and OREGANO SAUCE
Mga Sangkap:
750 grams Linguine Pasta (cooked according to package directions)
1 big can Hunts Diced Tomatoes (with Basil, Garlic & Oregano can)
300 grams Ham (cut into strips)
2 cups Fresh Basil leaves chopped
2 large White Onion chopped
1 head minced Garlic
3 tbsp. Olive Oil
1 cup grated Cheese (for the sauce)
1 cup grated Cheese (for toppings)
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package directions.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Isunod agad ang ham at chopped fresh basil leaves. Halu-haluin.
4. Sunod na ilagay ang Diced tomatoes in can at timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo sa mahinang apoy.
5. Ilagay ang 1 cup na grated cheese. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Partayin ang apoy at ilagay na ang nilutong pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
Ihain habang mainit pa na may grated cheese sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Note: Hindi po ako nagpo-promote ng Hunts products. Nagkataon lang po na nagustuhan ko ang product nilang ito. thanks
Comments
Thanks for the visit my friend