MY WIFE JOLLY's 2012 BIRTHDAY

Yesterday July 17, my wife Jolly celebrated her __th birthday.  Noong una ang gusto lang niya ay mag-order na lang ng pizza for our dinner pero pinilit ko pa rin na magluluto ako ng espesyal na dinner.   Bakit naman, minsan lang naman sa isang taon dumarating ang ating kaarawan, dapat talaga natin itong ipinagdiriwang.

Hindi lang para sa aking asawa kundi maging sa aking tatlong anak.   Pinipilit ko talaga na makapaghanda kahit papaano para sa kanilang kaarawan.  Noong araw kasi, ganoon din ang ginagawa ng aking Inang Lina.   Kahit walang-wala kami, naghahanda pa rin siya kahit papaano para sa aming kaarawan.

Tatlong dish lang ang niluto ko para sa may birthday.   Lahat na ito ay paborito niya.   Syempre hindi mawawala ang noodles.   Linguine pasta na may dice tomatoes, basil, oregano at ham ang aking niluto.

Mahilig siya sa seafoods kaya ipinagluto ko din siya nitong Shrimp with Garlic and Powdered Orange Juice. 

Gusto din niya yung buto-buto sa karne kaya itong roasted baby back ribs ang niluto ko.   Hindi ako gumamit ng ready-made na barbeque sauce.   Ako talaga ang gumawa ng sarili kong sauce para dito.

For the dessert, dapat sana gagawa ako ng fruit salad, kaso may cake na kaya hindi ko na lang itinuloy.   Choco Walnut ang cake na ito na binili ko sa Contis.

Syempre hindi mawawala ang flowers.   Hindi nawawala ito basta may espesyal na okasyon para sa kanya.

Wala kaming bisita ng gabing yun kundi ang kapitbahay kong si Ate Joy at ang kanyang dalawang anak.   Nabusog ang lahat at nakapagbaon pa ako kinabukasan.

Dalangin ko na sana ay biyayaan pa ng mahabang buhay ang aking asawa para na rin sa aming mga anak.   Sanay patuloy siyang bigyan ng lakas ng katawan at magandang kalusugan.  Amen.

Sa susunod na taon muli....hehehe

Comments

J said…
Belated happy birthday, Ate Jolly! More blessings to come!
Dennis said…
Thanks J. abangan mo yung recipe ng mga niluto ko para sa kanya....hehehe
Anonymous said…
I like your blog! No pretentions no overwhelming ingredients--- just the passion and love
For food.... Congratulations and more power.. Im a new fan!!
Dennis said…
Thanks anonymous. May I know your name?

I hope you will share this also with your friends and relatives. Thank you
Anonymous said…
OMG!!! Kakainggit naman wife nyo, hindi tumataba kahit super galing ninyong magluto...she is pretty and looks mabait, swerte din po kayo. :)
(claire)
Dennis said…
Thanks Claire....Payatin lang talaga ang pamilya niya....hehehe. Siya ang number 1 critic ko sa mga niluluto ko....kaya kung hindi masarap sinasabi agad niya.,...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy