PESANG ULO ng SALMON
Ang Pesang Isda ang isa sa mga ulam na may sabaw na madalas naming i-ulam noong aking kabataan. Madali lang itong lutuin bukod pa sa napaka-simple nitong mga sangkap. Masarap i-ulam ito lalo na kapag maulan ang panahon. Nakakapawi kasi ng lamig ang mainit na sabaw at ang konting anghang ng luya.
Sa aming probinsya sa Bulacan, pangkaraniwang ipine-pesa ang isdang dalag. Marami kasi nito lalo na pag tag-ulan. Murang-mura din lang itong nabibili sa palengke.
Pangkaraniwan na ipine-pesa ay ang mga isdang tilapia, maya-maya, bangus, at dalag nga. This time, sinubukan ko namang ulo ng salmon ang aking gamitin. At hindi naman ako nabigo. Masarap at napakalasa ng sabaw. Yun ngang natirang sabaw ay itinabi ko pa para magawa kong soup. Hehehehe.
PESANG ULO ng SALMON
2 pcs. Salmon Head (cut into pieces)
2 tali Bok Choy o Pechay Tagalog
2 tangkak Leeks (cut into 1 inch long)
2 thumb size Ginger (sliced)
2 large Onion (quartered)
1 tsp. Whole Pepper Corn
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ng mga 15 minuto ang luya, pamintang buo at sibuyas sa nais na dami ng tubig na pang-sabaw.
2. Ilagay na ang ulo ng salmon at timplahan ng asin at maggie magic sarap. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Ilagay na ang pechay o bok choy at leeks.
4. Tikman ang sabaw at -i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!
This is my entry for:
Comments
sosyal nman sir dennis, salmon tlg ^_^
Visiting for FTF- hope you can stop by..
http://myrecipecollection.info/2012/07/ice-candy-in-mix-flavors.html
Thanks for the visit.... :)
Thanks for joining us !!!
Thanks for the visit my friend.