POCHERONG BAKA ala Dennis
Nagsasawa na ba kayo sa paulit-ulit na ulam na niluluto sa araw-araw? Well, hindi kayo nagiisa. hehehehe. Marami tayo na ganyan ang problema sa araw-araw. Para kasing umiikot lang ang adobo, sinigang, nilaga at prito sa ating mga hapag-kainan. Marami nga ang nag-email sa akin at nagpapasalamat dahil na-discover nila ang food blog kong ito. Hindi na daw sila nahihirapan sa kung ano ang kanilang lulutuin.
Ang gusto kong i-punto sa post kong ay kung papaano ang isang pangkaraniwang lutuin ay magagawan mo ng twist para maging isa pang dish. Halimbawa, yung nakaraan kong post sa natirang palaman ng relyenong bangus, nagawa ko itong tortang bangus. Or kung may natira kang giniling para sa bola-bola, pwede mo pang gawing palaman sa lumpiang shanghai.
Dito naman sa post ko for today hindi leftover ang ginawan ko ng twist kundi ang pagkaraniwang nilagang baka. Pwede mo ding gawin ito sa baboy o manok. Pareho lang ang mga sangkap nito. Nadagdag lang ang choriso, tomato sauce, at brown sugar. Pwede mo ding lagyan ng garbanson par magdagdag pa ng flavor.
POCHERONG BAKA ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Shank
2 pcs. Longanisang Macau or Chinese chorizo
1 tetra pack Tomato Sauce (Sweet style)
6 pcs. Saging na Saba (cut into half)
Pechay
Repolyo
1 medium size Kamote o Sweet potato (cut into cubes)
2 tbsp. Brown Sugar
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced )
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan hanggang sa lumambot ang baka. Lagyan ng asin at pamintang buo.
2. Sa isang kawali o kaserola, i-prito muna ang saging na saba sa mantika hanggang pumula ang magkabilang side. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Sa parehong lutuan, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay na agad ang pinalambot na baka at mga dalawang tasa ng sabaw na pinaglagaan.
5. Ilagay na ang tomato sauce at kamote. Takpan at hayaang maluto ang kamote.
6. Huling ilagay ang brown sugar, pechay, repolyo at ang piniritong saba.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Ang lasa nito ay yung naglalaban ang alat, asim ng tomato sauce at tamis ng brown sugar.
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Mike ng bulakan
Taga Bulacan ka pala? Saan ka sa Bulacan? Taga Bocaue ako.
Till next kabayan.
Dennis
Thanks friend...
ps...nabasa mo na yung comment ko sa blog mo?