POK POK FRIED CHICKEN

Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng dish na ito ano?   Parang ang bastos kasi ng dating.   Sa pangkaraniwang taga Manila ang dating ay prostitute.   Di ba pokpok ang tawag natin sa mga babaeng mababa ang lipad?    hehehehe.

Pwede din na ang pok pok ay yung tunog ng almires habang nagdidikdik ka ng bawang o anu pa man.   Hehehehe

Nakuha ko lang ang idea na ito sa isa pang paborito kong food blog ang rasamalysia.com.   mayroon siya doong fried chicken recipe na pok pok wings ang tawag.  Yes.  Chicken wings ang ginamit niya doon at ito namang sa aking ay chicken legs.

Simple lang ang recipe at mga sangkap sa dish na ito ay sinubukan kong gayahin.   Okay naman ang lasa at kakaiba sa mga fried chicken na ating nakakain.


POK POK FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumstick (hiwaan ang laman ng sagad sa buto)
1/2 cup Patis
1/2 cup White Sugar
1 head minced Garlic
1/2 cup Cornstarch
1/2 cup Flour
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwaan ang laman o paligid ng chicken drumstick ng sagad sa buto.   Sa pamamagitan nito maluluto ang pati loob o hanggang buto ng manok.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang patis, asukal at dinikdik na bawang.
3.   Isa-isang ilubog dito ang mga manok at saka ilagay sa isang plastic bag kasama ang marinade mix.   Ilagay muna sa fridge at hayaan ma-marinade ng overnight.
4.   Sa isang kawali, magpakulo ng mantika.   Dapat lubog ang pi-prituhing manok.
5.   Sa isang plastic bag, ilagay ang harina at cornstarch.
6.   Ilagay dito ang manok na minarinade.  Punasan muna ng paper towel ang manok bago ilagay sa breadings.
7.   I-prito ito hanggang sa maluto o mag-golden brown ang kulay.   Huwag masyadong malakas ang apoy dahil madali itong masusunog dahil sa asukal sa marinade mix.

Ihain ito habang mainit pa na may kasamang banana catsup o gravy.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Unknown said…
nakakatawa nga ang name ng recipe na to.:p
fried chicken should be eaten hot, di masarap pag malamig na.
Dennis said…
Hi Luna....nung una ko ngang nabasa yang recipe na yan sa rasamalaysia natawa din ako....hehehehe. Pero yun nga...naiba siya kumpara sa timpla ng fried chicken na kinakain natin.
J said…
Wooohooo! May gagayahin na naman ako hehe. Thanks kuya!
Dennis said…
Thanks J...Sa tingin ko pwede ding lagyan grated ginger yung marinade mixture para mas sumarap pa ito.
Iska said…
Hahaha! Oo nga naman katawa ang pangalan...
Ito ba ay Vietnamese? Usually kasi sila ang naglalagay ng kombinasyong patis at asukal.
Sigurado akong masarap ito :-)
Unknown said…
I should try this one.. looks good.. :) Anyway, Sir Dennis thanks sa mga recipe mo, marami akong natututunan and halos andito yung mga food na gusto kong iluto. Ngayon lang po nag enjoy sa pagluluto lalo na yung mga niluluto ko na galing sa blog nyo ay nagugustuhan ng mga hinahainan ko.. Sana po marami pang madagdag na bago.. hehe.. and sana po one day makatikim naman kami ng luto nyo.. (feeling close ako.. hehe) Thank you po talaga.. :)
Dennis said…
@Iska....Yup Vietnamese recipe yan....nakuha ko yung recipe sa blog ni Bee ng rasamalysia.com. Masarap...kakaiba sa pangkaraniwang fried chicken natin.
Dennis said…
Thanks Ehlie....mas lalo akong nai-inspire kapag nakakabasa ako ng mga comment na kagaya ng sa iyo. Isa lang ang request ko sa iyo....sana ay mai-share mo din itong blog kong ito sa mga friends at relatives mo.

BTW, nandito ka ba sa Piipinbas o abroad? Hayaan mo...isa sa mga plano ko ay magkaroon ng eyeball ang mga avid followers ng blog kong ito. Ofcourse may food na pagsasaluhan....hehehehe. I hope soon...

Regards


Dennis
Leah H. said…
Grabe naman ng pangalan:) Anyway, try ko nga to kasi yung ingredients ay simple lng..

Visiting for FTF- hope you can stop by..

http://myrecipecollection.info/2012/07/garlic-mashed-potatoes.html
Dennis said…
Thanks Leah.....Yan din ang sabi ng mga nakakrami sa dish na ito....hahahaha. Dito sa Pilipinas grabe nga ang dating nung pangalan ng dish. Pero kagaya nung nasabi nung author na pinagkopyahan ko ng dish na ito, pok pok ay mula sa tunog ng almires habang nagdidikdik. hehehe
Tetcha said…
What an interesting name for a chicken dish! Visiting back from FTF!
Unknown said…
Hi sir.. I'm from calamba city sa laguna.. aabangan ko po ang meeting na yan.. i'm sure mas masarap sa personal yang mga recipe nyo..

My sister is also an avid reader of your blog. Marami na rin sya nai-try na iluto from your list. Yung boyfriend ko ay mahilig kumain so naghahanap talaga ako nuon ng mga bagong recipe and then I've learned about your blog. One day sabi nya "Wala ka naman cook book na binibili, san mo natututunan yang mga niluluto mo?" Nung sinabi ko sa kanya kung san ko nakukuha ang mga recipe, sya na mismo ang nagsasabi na magcheck ako ng blog mo kasi baka may bago kang niluto. Thanks po talaga sa inyo sir.. :)
Dennis said…
Thanks Tetcha.....marami kayong nagsabi ng ganyan. hehehehe
Dennis said…
Thanks again Ehlie.....Nakakataba ng puso ang mga sinabi mo....hehehe
real lady said…
Eye widening title but because they looks yummy, I'll have a go. Followed you Dennis. Luto ni Nanay: Creamed Mushrooms
Dennis said…
Hahahaha...Thank real lady.....Yung link mo sa Creamed Mushrooms not found daw? pwero nag-chekc din ako ng iba mo pang recipes. I like the empanada....gawa ako nito minsan...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy