PORK ROULADE ala DENNIS
Isa na namang espesyal na recipe ang aking handog sa inyo sa araw na ito. Pork Roulade ala Dennis. Bago ko ito niluto, tiningnan ko muna sa internet kung ano-ano ang mga recipe na pwede kong gamitin para sa dish na ito. Parang wala naman akong nagustuhan kaya naisipan kong gumawa na lang ng sarili kong version.
Favorite ko ang lasa ng basil leaves, smokey na bacon at syempre cheese. Ito ang naisipan kong ipalaman sa dish na ito. At hindi naman ako nagkamali, nag-blend ang lasa ng tatlong paborito kong sangkap at masarap talaga ang kinalabasan.
Also, dapat sana ipi-prito ko lang ang pork roulade na ito, pero sa ubna kong attempt parang hilaw pa ang karne pero brown na ang kulay ng labas na part. Ang ginawa ko, isinalang ko pa ito sa turbo broiler at hinayaang maluto pa.
Try nyo din. Ayos na ayos ito sa mga espesyal na okasyon.
PORK ROULADE ala DENNIS
Mga Sangkap:
8 pcs. Butterfly cut Pork
1 pc. Lemon
1 cup chopped Fresh Basil leaves
1 cup grated Cheese
1 cup chopped Bacon
1 medium size Onion finely chopped
2 tbsp. Toasted Garlic
1/2 cup Olive oil
2 cups Breadcrumbs
1 pc. Egg beaten
1/2 cup Cornstarch
SAlt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang butterfly cut pork hanggang sa numipis.
2. Timplahan ng asin, paminta, katas mg lemon at lemon zest. Hayaan ng ilang sandali. Overnight mas mainam.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang chopped basil, cheese, bacon, chopped onion, toasted garlic, sale and pepper at 1 tbsp. olive oil. Haluing mabuti.
4. Batihin ang itlog at isama ang cornstarch para makagawa ng batter. Ilagay din ang breadcrumbs sa isang bowl.
5. Sa bawat isang pinitpit na karne, palamanan ito ng pinaghalong mga sangkap at saka i-roll. Make sure na walang nakalabas sa gilid ng karne.
6. Ilubog ito sa batter na ginawa at saka i-roll sa breadcrumbs. Gawin ito sa lahat ng piraso ng karne.
7. Ilagay muna sa freezer para kumapit ng husto ang breadcrumbs sa karne.
8. Painitin ang oven o turbo broiler.
9. I-drizzle ng olive oil ang pinalamanang karne bago isalang sa oven o turbo broiler.
10. Lutuin ito sa init na 250 degrees sa loob ng isang oras o hanggang sa pumula ang balat nito.
11. Palamigin muna sandali bago i-slice.
Ihain na may melted cheese sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments