SAUCY CANTON CON LECHON
Lechon Kawali ang ulam namin nitong nakaraang araw. Normally, pang-dalawang kainan ang dish na niluluto ko palagi para tipid sa gas na din. Meaning, ulam na namin sa tanghali then yun din ang ulam namin sa gabi.
Kaso, nagustuhan ata ng mga anak ko ang lechon kawali kaya nag-alanganin ang natira para sa dinner. Ang solusyon ko? Lagyan ito ng extender. Ano ang pwede? Naisip ko na bakit hindi ko ito lagyan ng Canton noodles at gulay para dumami pa.
At ito na nga ang kinalabasan ng aming dinner that night. Isang masarap na pancit canton na saucy at hitik sa laman na lechon kawali. hehehehe
SAUCY CANTON CON LECHON
Mga Sangkap:
300 grams Lechon Kawali cut into small cubes
300 grams Canton noodles
1 pc. Knorr Pork cubes
1/2 cup Oyster Sauce
1 medium Carrot cut into strips
1/2 medium size Repolyo chopped
Spring Onion chopped
1 tbsp. Cornstarch
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 tnsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang lechon kawali at hayaan munang matusta ng kaunti.
3. Lagyan ng 3 tasang tubig at ilagayn na din ang Knorr pork cubes. Hayaang kumulo hanggang sa medyo lumambot ang lechon kawali. Timplahan na din ng asin at paminta
4. Ilagay na ang carrots, oyster sauce at canton noodles. Haluin hanggang malubog na ang noodles sa sabaw. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Ilagay na din ang repolyo at patuloy na haluin.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Lagyan ng chopped spring onion sa ibabaw at ihain na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks J :)
ps....Uy! ang sarap ng cake mo ha...may comment ako dun...hehehe