SHRIMP in POWDERED ORANGE JUICE
Ito ang isa pa sa niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking asawang si Jolly. Isa ito sa mga inihanda ko komo paborito niya ang hipon. And to make it more special, yung malalaking hipon o sugpo ang aking binili. Niluto ko din ito in a very special way at hindi pangkaraniwang sangkap. hehehe
Yes. Niluto ko ito with powdered orange juice. Tang to be specific. May nabasa kasi ako sa isang blog na hindi ko na din matandaan na nilagyan niya ng powdered orange juice ang niluluto niyang hipon. Sabagay, hindi ba nga minsan naglalagay din tayo ng softdrinks or fresh lemon or orange? With this powdered juice hindi na natin kailangan pang maglagay ng asukal sa ating hipon. Winner ito at talaga naman nagustuhan ng aking asawa.
Pahabol lang, dapat siguro hiniwaan ko ng bahagya ang likod ng hipon, una para maalis yung kulay itim na parang sinulid at para na din pumasok yung flavor ng orange sa laman ng hipon. Next time siguro gawin ko yung ganun.
SHRIMP in POWDERED ORANGE JUICE
Mga Sangkap:
1 kilo large Shrimp or Sugpo
1 sachet or 2 tbsp. Tang Orange Juice
1 head minced Garlic
2 tbsp. Butter
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay na ang hipon, powdered orange juice, asin, paminta at mga 1/2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang hipon.
3. Kung luto na ang hipon, ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod ang piniritong bawang sa ibabaw.
Enjoy!!!
This is my entry for:
Comments
Visiting for FTF- hope you can stop by..
http://myrecipecollection.info/2012/07/dairy-queen-ice-cream-cake.html
Sige wait ko. :)