SPAGHETTI with NATIVE LONGANISA


Fan ako ng food blog ni Ms. Connie Veneracion (www.casaveneracion.com).   Actually, yung food blog niya ang naging inspirasyon ko para magkaroon din ng sarili kong food blog.

Marami din sa mga dish na pinost ko dito ay hango din sa food blog niya.   Nilalagyan ko na lang ng twist para kahit papaano ay may contribution din ako sa dish na iyun.

Kagaya nitong pasta dish na ito na racipe ko for today.   Sa kanya ko nakuha yung idea na pwede palang gamitin yung laman ng longanisa sa mga pasta dishes.  Kaya nga nung humiling ang panganay kong anak na si Jake na gusto daw niya ng spaghetti para sa aming almusal, ito agad ang naisipan kong gawin.

Tama si Ms. Connie.  Masarap nga ang kinalabasan ng spaghetti kong ito.   Bakit naman hindi?   Di ba timplado na ang longanisa lalo na yung maraming bawang?   At yung tamis na gustong-gusto ng mga bata.


SPAGHETTI with NATIVE LONGANISA

Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti pasta (cooked according to package direction)
300 grams Native Longanisa (alisin yung laman sa casing)
1 tetra pack Tomato Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
2 tbsp. Olive oil
1 cup grated Cheese
1 tsp. Dried Oregano or Basil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.   Halu-haluin
2.  Sunod na ilagay ang laman ng longanisa.  Durugin o paghiwa-hiwalayin.
3.  Timplahan ng asin, paminta at ilagay na din ang dried oregano or basil.
4.   Ilagay na ang tomato sauce at hayaang kumulo.
5.   Lagyan ng ginadgad na keso at tikman ang sauce.   I-adjust ayon sa inyong panlasa.
6.   Ihalo ang nilutong spaghetti pasta hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain na may grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy