ANTON'S 10th BIRTHDAY

Sa kabila ng mga walang tigil na pag-ulan at pag-baha sa kabuuan ng Maynila at karatig na mga lugar nitong mga nakaraang araw, nag-diwang ng kanyang ika-10 kaarawan ang bunso kong anak na si Anton.   Malayo pa ang araw ay excited na siya sa kanyang birthday.   Ang kanya lang Tita na si Lita at ang kanyang Ninong Regie ang talagang invited niya, kaso nag-baha sa kani-kanilang bahay kaya di sila naka-punta.  Ang nangyari kami ng aking kapitbahay ang nagsalo sa aking mga niluto.

Naging challenge sa akin ang handa sa birthday na ito ng aking bunso.   Bakit naman?   Naubusan kasi kami ng cooking gas at bukod sa wala kaming mabili, baha naman ang mga kalsada kaya hindi makapg-deliver ang iba.   Nag-isip tuloy ako ng dish na pe-pwede sa kuryente lutuin.   Sa awa naman ng Diyos ay nagawa ko ito.   Nakakatuwa dahil masasarap at nagustuhan talaga ng may birthday ang kanyang handa.

Kapag naghahanda ako ng pagkain para sa aking asawa at mga anak para sa kanilang kaarawan, tinatanong ko sila kung ano ang gusto nilang lutuin ko.  Sa aking bunso nga, lasagna ang gusto niyang lutuin ko.   Gumawa din ako ng pizza at yung chicken na dapat sana ay ipa-fried ko lang ay niluto ko na lang sa turbo broiler.  Gumawa din ako ng kani & cucumber spring roll para may gulay.

Syempre hindi mawawala ang cake sa birthday.   Kaya naman kahit kalakasan ng ulan at sobrang traffic dahil sa baha, ibili ko pa rin siya ng cake sa Contis.   Choco Walnut Torte ito na kagay nung binili ko sa birthday ng akibng asawang si Jolly.

The birthday boy and his Mommy enjoying the roasted chicken legs.

Syempre may picture din sila ng sabi niya na kamukha niya...hehehehe.   Ang kanyang Daddy.

Ang bilis talaga ng panahon...ang dating bine-baby kong bunso ngayon ay isang ng malaking bata.   Nagpapasalamat ako sa Diyos at lumalaki siyang malusog at malayo sa mga sakit.   Nung maliit pa siya lapitin talaga siya sa mga disgrasya, salamat na lang at nalampasan niya ang mga ito at hindi na masyado sa ngayon.

Dinadalangin ko sa Diyos na sana ay lagi siyang papatnubayan lalo na sa kanyang pag-pasok sa paaralan.   Malayo nawa siya sa mga disgrasya o kapahamakan..sa mga sakit at karamdaman....at sana ay bigyan pa siya ng marami pang mga kaarawan.   AMEN.

NOTE:    Para sa recipes nung mga pagkain aking inihanda.   Abangan!


Comments

Anonymous said…
Happy birthday sa inyong anak.... Buti na lang po okay po kayo at ang family niyo. God bless!!!
(Claire)
Anonymous said…
Siyanga po pala, look-a- like po pala kayong mag ama.
(claire)
Dennis said…
Thanks Claire....Oo nga, nalulungkot nga ako sa mga napapanood ko sa news...sabi ko nga sa mga anak ko maswerte kami at hindi kami nabaha ng ganun.

Magkamukha ba kami? Sabi ng marami kamukha daw ng mommy. Pero pag yan anak ko na yan ang tinanong mo sasabihin sa iyo daddy ang kamukha niya....hehehe

Thanks again
Anonymous said…
Happy birthday bunso! Sarap naman ng food. Nakakatuwa po ang blog niyo kasi kitang kita yung dedication niyo sa family at kung gaano kayo kabait. Bihira po kasi sa lalaki ang ganyan na sila ang nagaasikaso ng pagkain ng family. Suwerte po si Misis!
Dennis said…
Thanks anonymous...pakilala ka naman para makilala kita....hehehe....Salamat sa iyong pagbisita....
J said…
Happy birthday Anton! Parang kambal lang kayo ni Kuya Dennis oh!
Dennis said…
Thanks J....Kamukha ba? Mas kamukha niya ang Mommy niya...marami ang nagsasabi. pero pag tinanong mo siya, si Daddy daw niya ang kamukha niya....hehehehe
Anonymous said…
Eto po si Anonymous (Mommy Marie). Pasensiya na po, di ako gaano techie kaya dun ako sa Anonymous lang. I am a fan of your site and it is only now that I had the chance to comment. Your recipes are practical, easy to do and products of love for food and love for family. Keep up the good work!
Dennis said…
Thanks Mommy Marie. Natutuwa naman ako at nagugustuhan mo ang mga gionagawa ko d2 sa munti kong blog. Little favor lang... I hope ma-share mo din ito among your friends and relatives....also dont forget to click the ads in each posting para naman maka-earn ako ng points sa google. hehehe

Salamat ulit ha...


Dennis
Anonymous said…
Ganun po ba? Sige at i-click ko parati para naman may pang-supplement kayo sa mga ingredients niyo. Kahit masarap magluto, mahal din kasi at masakit sa bulsa especially kung mag-experiment at baka mapalpak pa. Kaya thankful ako sa tulad niyo na very selfless sa pag-share ng talent niyo through your blogs. Very much appreciated!
Dennis said…
Thanks Anonymous (Mommy Marie)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy