BRINGHE

Ang Bringhe ang pantapat nating mga Pilipino sa Paella o Arroz Valenciana ng Spain.   Sa Espanya, sinasabing pagkain ito ng mahihirap komo kapag niluto ito ay sama-sama na ang kanin at ang ulam.  Pero dito sa atin sa Pilipinas, maituturing na pagkain ito ng mga medyo angat sa lipunan.  Madalas mong makikita ang dish na ito sa mga handaan sa gitnang Luzon partikular sa Pampanga at Bulacan.   May nabasa pa nga ako na sa Pampangan nga ito nag-origin.

Halos pareho lang din ang dish na ito sa nagawa at nai-post ko na na Arroz Valenciana.   Ang pagkakaiba nga lang nito ay turmeric powder ang ginamit kong pangkulay sa kanin sa halip na tomato sauce at achuete.   Masarap ang dish na ito.   Malasa at punong-puno ng flavor.   Tamang-tama sa mga espesyal na okasyon.

Para maiba naman ang aming almusal, ito pala ang inalmusal namin nitong nakaraang Linggo.  Solve na solve kaming lahat sa almusal na ito kaya nag-burger na lang kami ng mag-lunch.   hehehehe


BRINGHE

Mga Sangkap:
2 cups Malagkit na Bigas
2 cups Ordinary o Long Grain na bigas
2 tsp. turmeric Powder
1/2 kilo Chicken Legs (cut into small pieces)
300 grams Chicken Liver (cut into small pieces)
2 pcs. Chorizo de Bilbao
2 pcs. medium Potato (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
Coconut milk from 1 coconut
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Olive oil or ordinary cooking oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Isaing ang malagkit at ordinaryong bigas.   Ihalo ang turmeric powder sa pagsasaing.  Dapat konti lang ang tubig dahil lulutuin pa ito sa gata.
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Isunod agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Hayaang masangkutsa.
4.  Sunod na ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper at chorizo de bilbao.   Lagyan ng 1 tasang tubig..takpan at hayaang maluto ang patatas.
5.   Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang atay ng manok at gata ng niyog.   timplahan na din ng Maggie magic Sarap.  Hayaan pa ng mga 5 minuto.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo na ang sinaing na malagkit at ordinaryong bigas.   Haluing mabuti.

Ihain habang mainit pa.   Maaring lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.

Enjoy!!!

Comments

Anonymous said…
Sabi po nila sa Pampanga nga po ito nag originate...ang mga in laws ko po ay taga doon at tuwina pag may okasyon lagi silang may bringe. Marasap po ito at saka 3 in 1 dish na po. May karne,gulay at kanin. Sulit iluto.
Dennis said…
Thanks Anonymous.... I hope ilagay mo din yung name mo para naman makilala kita. Ang dami nyo kasing Anonymous dito eh. hehehehe

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy