CARDILLONG GALUNGGONG


Noong araw madalas kaming mag-ulam nitong sarciadong isda.   Mura lang kasing nabibili noon ang isda kaya marami kung bumili nito ang akin Inang.   Prito lang ang ginagaw niyang luto dito at pag may natira nga ay ginagawa niya itong sarciado.   Ito yung ginisang kamatis na may konting sabaw at pagkatapos ay isinasama dito ang natirang piniritong isda.   Basta ang tawag sa lutong ito ay sarciadong isda.

Not until na mabasa ko ang isang post sa isa pang food blog na binibisita ko ang www.busogsarap.com ni Ms. Althea.   Dito ko nalaman na cardillo pala ang tawag kapag ang sarciado ay nilagyan pa ng binating itlog.   Yes, kung ginisang kamatis lang ang ilalagay mo sa iyong piniritong isda, sarciado ang tawag dito.  At yun nga kung lalagyan mo pa ito ng binating itlog, cardillong isda na ang tawag.

At yun ang ang lutong ginawa ko sa galunggong na nabili nitong isang araw.   Pinirito ko ito at saka ko nilagyan ng ginisang kamatis na may itlog.  Sa madaling salita cardillong galunggong ito.   Hehehehe


CARDILLONG GALUNGGONG

Mga Sangkap:
1 kilo medium size Galunggong
1/2 kilo Tomatoes (chopped)
1 large Onion (chopped)
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Egg (beaten)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang galunggong, asinan at hayaan ng mga ilang minuto.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at matusta.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.  Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4.   Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.   Halu-haluin.   Lagyan ng kauting tubig at hayaang maluto hanggang sa madurog ng husto ang kamatis.
5.  Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
6.  Kung durog na durog na ang kamatis, ilagay na ang binating itlog.   Haluing mabuti.
7.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
8.   Ibughos ito sa piniritong galunggong.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy