CHICKEN and CHEESE in MACARONI PASTA
Kapag tinanong mo ang bunso kong anak na si Anton kung ano ang gusto niyang breakfast, dalawa lang ang sagot niya. Sopas o macaroni Soup o kaya naman ay bake macaroni na maraming cheese. Ganyan naman ako sa aking asawa at mga anak. Kung ano gusto nilang kainin yun ang niluluto ko.
Kaya naman nitong nakaraang Sabado, dapat sana ay magluluto ako ng chicken macaroni soup. Pero ewan ko ba kung bakit sa last minute ay nabago ang aking pasya at ginawa ko na lang ang dish na ito. Well, siguro naisip ko lang na kaka-sopas lang namin nitong nakaraang nag-uulan na mga araw.
Kumpara sa macaroni soup, ang cheese lang ang nadagdag sa mga sangkap na aking ginamit. Okay naman dahil may malaki pa akong bar ng cheese sa fridge. Kaya eto, isang masarap na na pasta dish ang kinalabasan.
CHICKEN and CHEESE in MACARONI PASTA
Mga Sangkap:
400 grams Elbow Macaroni Pasta (cooked according to package directions)
1 whole Chicken Breast Fillet
1 big can Alaska Evap (yung red ang label)
2 cups grated Cheese
5 cups Pinaglagaan ng pasta
1 tsp. Maggie magic Sarap
Cheese Wiz for toppings
5 cloves minced Garlic
3 tbsp. Butter
1 large White Onion chopped
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig na paglalagaan ng macaroni pasta. Isama din sa papakuluan ang chicken breast fillet at lagyan ng kaunting asin.
2. Kapag kumukulo na, ilagay na ang macaroni basta at hayaang maluto. Alisin sa apoy ang ang niluto pasta at hayaan lang na umalsa ito.
3. Hanguin ang manok....palamigin sandali at himayin o hiwain sa nais na laki.
4. Kung umalsa na ang macaroni, i-drain na ito at kumuha ng mga 5 cups ng pinaglagaan o sabaw nito.
5. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
6. Sunod na ilagay ang hinimay na manok at ang sabaw na pinaglagaan ng pasta. Hayaang kumulo.
7. Ilagay na din ang evaporated milk, 1 cup na grated cheese at timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay na ang nilutong macaroni pasta at haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
Ihain na may grated cheese at chesse wiz sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments