CHICKEN and CRAB SOUP


Hindi ko nakalakihan na mag-soup pag kumakain.   Unless, na masarap na masarap talaga ang soup na inihahanda.  hehehehe Sabagay, hindi naman talaga pang karaniwan na may soup pa sa pangkaraniwang umagahan, tanghalian o hapunan sa ating mga tahanan.   Madalas, sa mga hotel or fine dining restaurant lang natin ito nararanasan.

Sa bahay, ang asawa kong si Jolly ang medyo mahilig dito.   Lalo na kung ang ulam namin ay dry o yung mga pinirito lang.   Kaya naman may stock ako ng mga instant na soup kagaya ng Knorr sa bahay.

Nitong nakaraang Lunes August 27 ay holiday dito sa Pilipinas.  Walang pasok ang mga bata at kami din ng aking asawang si Jolly.   Naisipan kong magluto ng espesyal na lunch komo kapag off lang si esmi na magkakasabay kaming kumain.   Lechon Roll ang ang niluto (Abangan ang recipe bukas).   At niluto ko din itong soup na ito sa espesyal na tanghalian.

Madali lang ito.  Yung mga sangkap ay galing lang sa mga natira kong mga sangkap.   Try nyo ito.  Parang Chinese style na soup ang dating.


CHICKEN and CRAB SOUP

Mga Sangkap:
1/2 pc. Chicken Breast Fillet (pakuluan sa tubig na may asin at himayin)
10 pcs. Crab Sticks (himayin din kagaya ng chicken)
1 liter Chicken broth or 2 pcs. Knorr Chicken cubes
3 cloves minced Garlic
1 medium size White Onion chopped
1 pc. Egg beaten
Cornstarch (depende sa dami ng sabaw na gagamitin)
2 tbsp. Canola Oil or Star margarine
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.  Ilagay na agad ang sabaw ng manok, hinimay na crab stick at hinimay na manok.
3.  Timplahan ng asin at paminta at hayaang kumulo ang sabaw ng mga 5 minuto.
4.  Ilagay ang binating itlog at halu-haluin.
5.  Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sabaw.
6.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Type ko ito, kuya! Sarap!
Dennis said…
Thanks J. Ako din nagustuhan ko talaga ito. Ang key dito talaga ay yung broth na gagamitin. Ok din naman yung Knorr lang.
Anonymous said…
Hi..mas suggest nyo po ang broth ng chicken n pinag lagaan? mas yun po ba ang ginagamit nyo?
Dennis said…
Yup. Mas mainam yung pinaglagaan mismo. Although, pwede din yung chicken cubes.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy