FRUITY GRAHAM REF CAKE


Narito ang isa pang dessert na kahit hindi marunong magluto ay kayang-kayang gawin.  Bakit naman hindi?, wala namang cooking na involve at assembly lang ang gagawin.   Kahit nga siguro bata na 10 years old ay magagawa ito. Hehehehe....

Dapat sana ay nung birthday ng bunso kong anak na si Anton ko ito gagawin.   Kaso, hindi ba nga naubusan kami ng cooking gas at nag-tyaga ako sa de-kuryente kaya naging mas matagal ang pagluluto?  So, kinapos ng oras kaya hindi natuloy.   At isa pa may cake naman kako kaya yun na lang ang dessert.

Nito nakaraang mga araw, naghahanap ng dessert itong bunso kong anak na si Anton.   Hindi naman ako nakabili kahit man lang saging so wala talaga.   Nito ko naisipan ang ref cake na ito na hindi natuloy.   Kaya ayun, nabuo ang masarap na dessert na talaga namang na-enjoy naming lahat.


FRUITY GRAHAM REF CAKE

Mga Sangkap:
1 pack Graham Cracker
1 big can Fruit Cocktail
1 tetra brick all Purpose Cream
1 tetra brick Condensed Milk

To assemble:
1.   I-drain ang fruit cocktail.   Itabi ang sabaw at pwede pa itong gawing juice or pang-marinade sa ulam.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang fruit cocktail, all purpose cream at condensed milk.   Haluin mabuti.
3.   Gamit ang microwaveable na container, unang layer ang graham cracker at pangalawang layer ang fruitcocktail mix.  Alternate lang na i-layer ang mga sangkap.
4.   Yung natirang graham cracker, durugin at ibudbod sa ibabaw ng inyong ref cake.
5.   Ilagay muna sa fridge para ma-set bago ihain.

Enjoy!!!



Comments

J said…
Ay oo kuya... sarap niyan. Peborit ko diyan ay mangga!
Dennis said…
Thanks J...walang ka-effort-effort na dessert....hehehehe.
Unknown said…
Itry try ko po siya gawin muna sa bahay para kapag sa birthday ko gagawa ako

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy