ISANG GABING PUNO ng AWITAN at KAINAN

Last Friday August 3, naimbitahan ako ng aking pamangkin na kumpare sa Music 21 sa Timog para sa kanyang kaarawan.   Actually, August 1 ang birthday niya.   Kasama ang iba ko pang pamangkin, pinsan at ang aking kapatid na si Shirley, napuno ng kasiyahan ang gabing iyon sa aming lahat.

Mga 9 na din kami nakapag-umpisa.   Friday kasi noon at marami talagang gumigimik kapag ganung araw.   Ok naman yung room na nakuha namin.   Maluwang at siguro mga 20 o higit pa ang kakasya.


Inuna muna nila ang pag-order ng pagkain komo hindi pa sila nag-di-dinner at galing pa silang lahat ng Bulacan.   At habang naghihintay sa pagkain, e di syempre inumpisahan na din ang kantahan.

Hindi ko alam kung yung package ang in-order nila o ala-carte.  Pero maraming pagkain talaga ang inihain sa amin ng gabing iyun.


May Crispy pata.   Masarap naman.   Medyo kulang lang sa lutong ang balat.   Pero tamang-tama naman ang lambot ng laman.


Chopsuey daw ito.   Ewan ko pero sa mahal siguro ng gulay ay parang ginisang repolyo lang ito na may sahog.   Hindi ko siya tinikman.


Chicken pasta with Alfredo Sauce ang noodle dish.   Ito nagustuhan ng lahat.   Masarap ang sauce at ayos na ayos lang ang timpla.


Okay din naman ang Lumpiang Shanghai.   Malutong ang balat at masarap naman.   Yun lang ubos na ito ng dumating ang sauce.


May french fries din at sisig na madali ding naubos sa mga bagets.


May fried chicken din at iba pa na inihain na hindi ko na matandaan ang tawag.    Sa madaling salita, nabusog kami ng wagas sa aming mga kinain.


Masaya ang lahat sa aming nakain...yun lang nahuli ag ice tea na aming in-order.   Kaya ako Tanduay Ice na lang ang aking ininom.

Winner din ang cake na ibiigay sa may birthday.   Masarap at hindi masyadong matamis.  Nakalimutan ko lang kung ano pangalan nito at saan nabili.

Natapos ang kasiyahan 12:30 na ng hating-gabi.   Masaya ang lahat na para bang hibndi pa inaantok sa puyat.   hehehehe.

Iba talaga ang samahan ng mga pamangkin at pinsan ko na ito.  Sana lang ay madala nila ito hanggang sa kanilang pag-tanda.   Manatili sana ang pagmamahalan nila sa isat-isa at hindi sana mabago ng masamang ugali ang lahat.

Till next..... Happy Birthday again Kumpareng pamangkin na Raymond (Sugar Ray).

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy