LECHON ROLL




Basta may pagkakataong magkasabay-sabay kaming lahat sa bahay na kumain, pinipilit kong makapagluto ng espesyal na ulam para sa kanila.  Once or twice a week lang siguro yun nangyayari.   Di ba nga nagwo-work ang wife ko sa isang optical clinic sa isang mall at alam naman natin na ang pasok nila ay yun ding opening ng mall..   Kaya pag may pasok ang aking asawa, late na talaga siya nakakauwi sa bahay.

Kaya naman nitong nakaraang Lunes August 27, komo walang pasok ang opisina at school ng mga bata, nagluto ako ng espesyal na tanghalian.   Nung nag-grocery ako, itong dish na ito ang nasa isip kong gawin.   Ang lutuin ang Lechon Roll na ito.   Kaya naman pumili talaga ako ng pork liempo na kakailanganin ko para dito.   Dapat kasi yung liempong gagamitin ay hindi masyadong makapal at manipis lang ang taba.

Actually, parang lechon kawali din lang ang dish na ito.   Ang pagkaka-iba lang ay pinalamanan ito ng mga herbs and spices at saka ini-roll.   Importante dito ang tamang timpla para pumasok nang husto sa laman ng pork ang lahat ng flavor.

Try nyo.  Ayos na ayos ito sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Pasko o Bagong Taon.


LECHON ROLL

Mga Sangkap:
2 kilos whole Pork Liempo
1 head minced Garlic
1 tsp. Paprika
1 tsp. Dried Oregano
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. ground Black Pepper
5 tangkay Tanglad (white portion only)
2 pcs. Red Onion (quatered)

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilatag ang buong liempo sa sangkalan (Sa ilalim ang balat).   Tusok-tusikin ang laman gamit ang icepick o kutsilyo.
2.  Ibudbod ang lahat ng mga sangkap (maliban sa tanglad at sibuyas) sa laman ng liempo.   Hayaan muna ng mga 1 oras.  Overnight mas mainam.
3.  Ilagay sa gitna ng liempo ang pinitpit na tanglad.  I-roll at talian ng mahigpit ang liempo.
4.   Sa isang kaserola, pakuluan ang liempo na ni-roll sa tubig na may konting asin at hiniwang sibuyas.   Pakuluan hanggang sa lumambot.  Palamigin sandali.
5.   Lutuin naman ang pinalamig na liempo sa turbo broiler o oven sa pinaka-mainit na settings.  Lutuin ito hanggang sa pumula at maging crispy ang balat.
6.  Palamigin muna ng bahagya bago i-slice

Ihain na may kasamang lechon sauce o pinaghalong suka, calamansi, toyo at sili.

Enjoy!!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy