LUMPIANG BANGUS
Nitong nakaraang birthday ng anak kong si James at blowout ng kapatid ng aking asawang si Jolly na si Lita, isa sa mga pinaluto sa aking pagkain ay itong Relyenong Bangus. Nagtatrabaho sa ibang bansa itong si Lita at natakaw siya noong makita niya at mabasa ang post ko ng recipe ng Relyenong Bangus kaya siya nagpaluto nito.
May natira pang palaman sa relyeno kaya ginawa ko itong lumpiang bangus. Sa halip na ordinaryong lumpia wrapper rice paper ang ginamit dito. Ang mainam sa rice paper hindi ito masyadong sisipsip ng mantika kumpara sa ordinaryong lumpia wrapper. Yun lang hindi naman siya gaanong malutong pagka-prito.
But in general, masarap ang lumpiang bangus na ito. Try it.
LUMPIANG BANGUS
Mga Sangkap:
- Natirang palaman ng Relyenong Bangus (recipe sa link na ito ...http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/06/relyenong-bangus.html)
- Rice paper o ordinaryong lumpia wrapper
- Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Lagyan ng palaman ng relyenong bangus ang lumpia wrapper sa nais na dami.
2. Balutin ito sa nais na laki. Dapat ay walang lumalabas na palaman.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin ito sa lalagyang may paper towel para maalis ang excess namantika.
Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup o sweet chilli sauce.
Enjoy!!!
Comments