MANGO GELATIN and SCIENCE


Ang Gelatin dessert marahil ang isa sa pinakamadaling gawin na dessert.   Hindi komplikado ang mga sangkap at napakadali lang nitong lutuin.   Basta tama ang mga sukat at dami ng mga sangkap, tiyak na magagawa mo ito.  Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan at Batangas, gumagawa sila nito kapag may mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta, kasal, binyag o kaya naman ay birthday.   Para maging extra special, nilalagyan nila ito ng ibat-ibang flavor kagaya nga pandan, buko, pineapple at iba pa.   Yung iba naglalagay din ng pasas o kaya naman ay hiniwang mga prutas kagaya ng mangga.   May naglalagay din ng minatamis na macapuno o kaya naman ay langka.   Kung baga, endless ang pwede mong ilagay dito.

Pero wag ka....oo nga at endless....pero you have to consider din science or chemistry sa paglalagay mo ng ilalahok sa iyong gelatin.   Maaari kasing maging disaster ang iyong dessert kung hindi mo ito tatandaan.

At yun nga ang nangyari sa mango gelatin dessert na ito.   Actually aksidente o hindi sinasadya ang nangyari.   Hindi kasi matatamis ang hinog na mangga na nabili ko.   Kaya hayun, nang i-blender ko ang hinog na mangga at nilagyan ko ng fresh milk, nagbuo-buo ang dapat sana ay ihahalo ko sa gelatin.   Ang naging resulta, hindi humalo ng husto ang mango-milk mixture at naging isang layer ito sa finished product.  Pansinin nyo yung picture, di ba mas clear yung ibabaw na part?   Bale yung mango-milk mixture ay lumutang o umibabaw sa gelatin mixture nung inilagay ko na sa llanera.   Pero wag ka, masarap at edible pa rin naman ang kinalabasan.   hehehehe.


MANGO GELATIN and SCIENCE

Mga Sangkap:
1 sachet Yellow color Mr. Gulaman
3 pcs. Manggang Hinog (yung kalhati ng laman hiwain ng maliliit, yung kalhati pa ay i-blender naman with the milk)
2 cups Fresh Milk (lagyan nito kung matamis ang mangga)
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto
1.  Magpakulo ng 6 na tasang tubig sa isang kaserola.   Habang nagpapakulo, ihanda na din ang paglalagyan ng gelatin.   Ilagay ang hiniwang mangga sa bawat lalagyan.

2.  Sa isang bowl tunawin ang gulaman powder.
3.  I-blender ang mangga at fresh milk.   Sabi ko nga kung maasim o hindi masyadong matamis ang mangga huwag na muna isama ang milk.
4.  Kung kumukulo na ang tubig, ilagay na ang tinunaw na gulaman powder, mango and milk mixture at asukal.   Halu-haluin ng mga 5 minuto.
5.   Tikman at i-adjust ang lasa.
6.   Hanguin sa mga llanera o lalagyan at palamigin.

I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ganyan naman talaga ang cooking, kuya! Laging experiment hehehe. Kadalasan, yung experiment pa nga ang surprising na masarap diba? ;-)
Dennis said…
Hahahaha....Tama!!!... Thanks J...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy