NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS
Yes, No Baked Beef Lasagna ang ating recipe for today. Ito yung isa sa mga hiniling ng anak kong si Anton na lutuin nung nag-birthday siya last August 8. No bake komo nga wala kaming oven sa bahay...hehehehe. Pero kahit hindi ito na-bake, wag ka, masarap at nagustuhan talaga ng mga kumain ang lasagna na ito.
Hindi ko matandaan kung nakagawa na ako ng ganito sa archive. Pero masasabi kong proud na proud ako sa isang ito. Kahit yung white sauce na inilagay ko sa ibabaw ay talaga namang katakam-takam.
NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Beef
1/2 kilo Lasagna pasta (cooked according to package direction)
1 big can Del Monte 4 Cheese Pasta Sauce
1 cup chopped Fresh Basil Leaves
1 head minced Garlic
2 pcs. medium size Garlic chopped
1 cup grated Cheese
1 tsp. ground Black Pepper
1 tbs. Brown Sugar
3 tbsp. Olive Oil
Salt to taste
For the Sauce toppings:
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1/2 cup Flour
1/2 cup Full Cream Milk
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Grated Cheese
Dried Basil
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang lasagna pasta sheets according to package direction. Lutuin itong mabuti komo hindi nga natin ito ibe-bake. make sure lang na hindi magkadurog-durog ang bawat sheets.
2. Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang ground beef at timplahan na din ng asin at paminta. Hayaang maluto hanggang sa mawal ang pagka-pink ng karne.
4. Sunod na ilagay ang 4 cheese pasta sauce, chopped fresh basil leaves at brown sugar. Hayaang kumulo ng mga 10 minuto.
5. Huling ilagay ang grated cheese.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Alisin muna sa apoy
To assemble:
8. Sa isang square baking dish, ihilera ng 1 layer sa base ang nilutong lasagna.
9. Lagyan ng nilutong beef ang unang layer. Lagyah muli ng lasagna sheets and alternate lang ang paglalagay.
For the sauce:
9. Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw ito.
10. Sunod na ilagay ang harina at halu-haluin.
11. Sunod na ilagay ang all purpose cream at full cream milk. Timplahan na din ng asin, paminta at maggie magic sarap.
12. Patuloy na haluin. Maaring lagyan pa ng milk para makuha ang malapot na consistency ng sauce.
13. Tikman at i-adjust ang lasa.
14. Ibuhos ang white sauce na niluto sa ibabaw ng layered na beef lasagna. Dahan-dahan ang gawing pagbuhos para hindi kumalat ang sauce ng beef.
15. Budburan ng grated cheese pa sa ibabaw. Budburan din ng dried basil leaves sa ibabaw.
Hayaan munang lumamig ng bahagya bago i-slice o i-serve.
Enjoy!!!
This is my entry for:
Comments
Belated happy birthday sa anak mo na halos kasabay ko.. ako ay 7th.
(claire)
Thanks
Zy..
I hope you continue visit my blog and sana din paki-click na lang ng mga ads para maka-earn naman ako ng points sa Google.
Thanks again
DEnnis
Godbless,
Zy
Thanks for the visit