PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN LEGS
Ito ang isa pa sa food na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton. Dapat sana ipa-fried ko lang ito, kaso nga naubusan kami ng gas at out of stock na din ang ang nag-de-deliver. Isip-isip-isip, natuon ang pansin ko dito sa pasta sauce ng Clara Ole na Cheesy Pesto (Free advertisement na naman....hehehehe). So nasabi ko sa sarili ko, bakit hindi? At sa halip na i-prito niluto ko na lang ito sa turbo broiler. Roast kung baga.
Ang kinalabasan? Para ka na ring kumain ng isang gourmet na roasted chicken sa isang mamahaling restaurant. Masarap, malasa at hindi mo na kailangan ng sauce. Hindi rin dry ang laman ng manok...juicy talaga. Dahil ito siguro sa olive oil na kasama ng pesto.
PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN LEGS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Legs
1 tetra pack Clara Ole Cheesy Pesto pasta sauce
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang plastic bag pagsamahin lang ang lahat ng mga sangkap at alu-alugin o i-massage para ma-coat ng pesto ang lahat ng manok. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa.
2. Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven hanggang sa maluto at pumula ng bahagya ang balat.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments