SHRIMP & BOK CHOI in COCONUT MILK
Dumalaw nitong nakaraang Sabado sa aming tahanan ang dalawang kapatid ng asawa kong si Jolly na sina Ate Pina at Lita. Galing pa sila noon ng Batangas. Si Lita ay kakagaling lang ng Abu Dhabi kung saan siya nagwo-work. Komo alam kong sabik sa pagkaing Pinoy ang aking bisita, naisipan kong magluto nitong hipon na ito na may gata para naman masiyahan siya.
Chicken lang at pork ang laman ng aming freezer kaya naisipan kong sumaglit sa Farmers Market na malapit sa amin para bumili nga ng aking lulutuin. Nilagyan ko na din ng gulay o bok choi itong hipon na ito para dumami at para may gulay na din. Alam naman natin na medyo may kamahalan ang hipon lalo pa ngayong naguu-ulan.
Nakakatuwa at nagustuhan ng aking mga bisita ang aking niluto.
SHRIMP & BOK CHOI in COCONUT MILK
Mga Sangkap:
1 kilo Shrimp (yung medium to large size)
2 taling Bok Choiu
5 cups Coconut Milk (kakang gata)
3 pcs. Siling pang-sigang
1 thumb size Ginger sliced
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste
Mga Sangkap:
1. Sa isang kaserola o kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang gata at hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
3. Sunod na ilagay ang hipon at timplahan ng asin at paminta. Maaring takpan hanggang sa maluto ang hipon.
4. Huling ilagay ang bok choi at saka timplahan ng maggie magic sarap.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments