STUFFED PORK HAMONADO


Isa sa mga naunang recipe na pinost ko sa blog kong ito ay itong Pork Hamonado.   Sabi nga nung mga nag-comment, sa mga fiesta o espesyal lang daw na okasyon sila nakaka-kain nito o nakikita.   At tama naman, kahit sa amin sa Bulacan, espesyal ang pork dish na ito.

Wala naman talagang pinapalaman sa pork hamonado.   Laman lang ito ng pork na hiniwa ng manipis at ini-roll.   Ang key talaga sa dish na ito ay yung matagal na pag-marinade sa pineapple juice at yung timpla ng sauce.

In this recipe this time, naisipan kong palaman ito.   Sa mga nauna kong try, hotdog ang ginagamit kong palaman.   Ngayon naman naisipan kong ipalaman ang natirang crab stick at chicken liver sa mga nauna kong recipe.  Remember yung kani and cucumber sprint roll na handa ko sa birthday ng aking anak?   At yung chicken liver naman ay yung sobra sa bringhe na aking ginawa?

Nakakatuwa kasi masarap ang kinalabasan ng stuffed pork hamonado ko na ito.   Humihiwalay kasi yung lasa ng crab stick at yung chicken liver sa flavor ng pork at pineapple juice.  Masarap talaga...try nyo din ito.


STUFFED PORK HAMONADO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim (ipahiwa ng manipis)
Crab Sticks
Chicken Liver (hiwain ng pahaba)
2 cans (240ml) Pineapple Juice (sweetened)
1 large Onion (chopped )
1 head minced Garlic
1 tsp. Sesame oil
2 cups Brown Sugar
1 tbsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy at i-marinade ito sa 1 can ng pineapple juice.   Overnight mas mainam.
2.   Ilagay ang sesame oil sa hiniwang chicken liver.
3.   Ipalaman ang 1 crab stick at chicken liver sa minarinade na karne ng baboy.
4.   I-roll ito hanggang sa mabalot ang palaman.   Ilagay muna sa isa lalagyan.   Gawin ito sa lahat ng karne at palaman.
5.   Sa isang kaserola, ilagay ang bawang, sibuyas at ang ni-roll na karne.   Ilagay na din ang 1 can pa ng pineaple juice.   Timplahan na din ng asin, paminta at brown sugar.
6.  Isalang ito sa kalan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot at maluto ang karne.
7.  Kung malambot na ang karne, ilagay na ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.   Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat at tamis ng sauce.
9.   Palamigin muna sandali at saka i-slice ang karne.   Ibuhos ang sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

mark said…
Sir Dennis thank you sa masarap na recipe, ask ko lang po talaga po bang 2 cups ng brown sugar ang kailangan di po ba ang dami nun? Salamat po
Dennis said…
Thanks Mark.....Yung measuring cup ang ibig kong sabihin dyan....hindi yung cup na tasa ng kape. Actually, tantya ko lang yan.....mga 6 tbsp kasi yung ginait ko. Ok lang na matamis talaga parang sweet ham.
tere said…
hi! ano po pwede ireplace sa chicken liver at crabstick?
J said…
Galing ah! Parang surf and turf dahil sa crab sticks hehehe.
Dennis said…
Hi Tere...Anything...pwedeng hotdogs, sausages, cheese, red bell pepper, carrots, spinach, ham, bacon.....anything. Basta yung medyo malasa na pwedeng ipalaman.

Salamat sa pag-bisita dito sa blog ko ha. I hope you share it also with your friends and relatives.

Thanks Again


Dennis
Dennis said…
Thanks J....Alam kung ano maganda dun sa crab stick at chicken liver? May kakaiba siyang flavor na talagang lumulutang habang kinakain mo ito. Kung baga nalalasahan mo talaga sa bibig mo yung sarap ng flavor.

Thanks again my friend :)
tere said…
tnx po. alam mo kuya lagi ko talaga binibisita blog mo kasi dito ako kumukuha ng menu for the week. hehe. hirap po kasi mag isip ng menu.
Dennis said…
Thanks ulit Tere....click mo din yung mga Ads dito sa blog ko para naman maka-earn ako ng points sa Google....hehehe
sarap naman nito,kahit ulam or for special occasion.
Dennis said…
Thanks Willa....Yup..madali lang naman gawin...kaya ayos na ayos kahit sa regular na meal.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy