ARROZ VALENCIANA


Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda nitong nakaraan kong kaarawan.   Arroz Valenciana.   Ayon sa aking nabasa tungkol sa dish na ito, ito ay nag-origin sa Valencia sa Espanya.   Ito bale ang isa pang variation ng Paella.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung sahog o laman na kasama ng rice.   Sa paella, mga seafoods ang nakalahok, samantalang sa valenciana ay chicken o pork at sausages.

Halos kapareho din lang ito ng Bringhe ng mga Kapampangan.   Ang pagkaiba lang nito sa bringhe ay may tomato sauce ito sa halip na turmeric powder o luyang dilaw.   Actually, hindi na rin ito ang orihinal na recipe ng valenciana.   Nabago na din ito depende sa mga nagluluto.   In this version, ginaya ko yung nakita kong pagluluto ng aking Inang Lina.   Also, nilalagyan ko ito ng ganta ng niyog para mas maging masarap at malasa ang pinak-kanin nito.

Nung niluluto ko pala ang dish na ito ay may nakakatawang nangyari.  Kumpleto ang lahat ng sangkap na nasa mesa.   Laking pagtataka ko nung hinahalo ko na ang kanin sa mga sahog.   Para kakong kokonti ang laman o sahog.   Hinayaan ko na lang komo nagmamadali na nga ako sa magluluto.   Isinalin ko na ang valenciana sa isang tray at laking gulat ko nang hindi ko pala naisama ang atay nang manok na importanteng sangkap ng valenciana.   hehehehe.   Kaya ayun liver-less ang aking valenciana.   Pero okay din lang, nagustuhan ng mga kumain ang aking valenciana.   Marami nga sa kanila ang nanghingi pa ng recipe.   hehehehe.



ARROZ VALENCIANA

Mga Sangkap:
6 cups Jasmine or Long Grain Rice
4 cup Malagkit na Bigas
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into bite size pieces)
1/2 kilo Chicken Liver (cut into bite size pieces)
3 pcs. Chinese  Sausage or Chorizo De Bilbao (sliced)
5 cups Coconut Milk
1 tetra pack Tomato Sauce
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
2 large Potatoes (cut into cubes)
5 pcs. Hard-boiled Eggs
1/4 cup Achuete Seeds
1 tsp. Maggoe magic Sarap
3 tbsp. Olive Oil
1 head minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 pcs. Knorr Chicken Cubes
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Isaing ang malagkit na bigas at long grain rice na may kasamang katas ng achuete seeds at knorr chicken cubes.   Dapat hindi masyadong malambot ang kalabasan ng kanin.
2.   Sa isang kawali (medyo malaki) igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Ilagay na ang hiniwang chicken thigh fillet at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang maluto.
4.   Sunod na ilagay ang chorizo de bilbao, atay ng manoy, patatas, carrots at red bell pepper.   Ilagay na din ang tomato sauce at takpan muli hanggang sa maluto ang patatas.
5.   Sunod ang ilagay ang gata ng niyog at timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay na ang isinaing na malagkit at haluing mabuti.   Hayaan ng ilang minuto para kumapit ang lasa ng mga sangkap sa kanin.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Anonymous said…
Sir Dennis, thank you for this recipe. Favorite po ng husband ko ang arroz valenciana and mahilig siya magluto nito. Pero yung recipe niya from Cavite, his hometown, ay walang gata. I-try ko magluto ng may gata and sigurado ko magugustuhan niya. Lahat yata ng haluan ng gata sumasarap. Thanks again!..... Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Mommy Marie....garantisado yan na magugustuhan niya. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy